MyMemory, World's Largest Translation Memory
Click to expand

Language pair: Click to swap content  Subject   
Ask Google

You searched for: ang mga negrito ay halos walang kasuotan ( Tagalog - English )

    [ Turn off colors ]

Human contributions

From professional translators, enterprises, web pages and freely available translation repositories.

Add a translation

Tagalog

English

Info

Tagalog

Ang basketbol ay isang larong pampalakasan na binubuo ng dalawang koponan ng limang manlalaro bawat isa. Layunin ng laro na maihulog ang bola sa net na may sukat na 18 inches (46 cm) diyametro at may taas na 10 feet (3.0 m) na nakasabit sa backboardsa bawat dulo. Isa ang basketbol sa pinakatanyag at pinapanood na laro sa daigdig.[1] Ang isang koponan ay makakapuntos ng isang field goal sa paghulog ng bola sa basket habang naglalaro. Ang field goal ay may dalawang puntos para sa koponang nakahulog ng bola kung ang manlalaro ay nasa o malapit sa basket kaysa sa linya ng tatlong puntos, at ang tatlong puntos (higit na kilala bilang 3 pointer) kung ang manlalaro ay makapuntos sa labas ng linyang ito. Ang koponang may pinakamaraming puntos sa pagtatapos ng laro ay mananalo, subalit maaaring magdagdag ng oras (overtime) kung naging tabla ang puntos. Maaaring isulong ang bola sa loob ng kort sa pamamagitan ng pagtalbog nito habang naglalakad, tumatakbo o sa pagpasa sa kakoponan. Simula naimbento ang laro sa Springfield, Massachusetts sa Estados Unidos noong 1891, sumulong ito bilang isang tunay na pandaigdigang palakasan. Nagsimula ang mga organisadong paliga sa YMCA; nabuo ang mga naunang liga sa mga kolehiyo. Sa kalaunan, naging palakasang propesyunal ang basketbol. Kahit na isang pampalakasang Amerikano sa una, mabilis na kumalat sa mundo at makikita ang mga kilalang manlalaro at koponan sa ngayon sa buong mundo. 1 KASAYSAYAN NG BASKETBALLTaong 1891, buwan ng Disyembre nang likhain ni Dr. James Naismith ang isa sa mga pinakapopular na laro sa buong mundo ngayon - ang BASKETBOL. Isa siyang guro sa EstadosUnidos (Springfield, Massachusetts) na naatasan lamang ng kanyang Punong Guro na gumawang isang larong maaring ganapin tuwing tag-lamig. Matapos mag-isip, kumuha siya ng dalawang basket, idinikit ang mga ito ng may kataasan sa loob ng YMCA dyim, at itinapon ang isang bolasa loob ng basket. Ang itinapon niyang bola ang naging unang tira sa isang laro na huhuli sainteres ng buong mundo sa pagdaan ng panahon. Ang Pilipinas ang isa sa mga bansang unangnaimpluwensiyahan ng basketbol sa mundo. Dumating ito sa ating bansa noong maagang bahaging 1900s. Dahil dito, hindi nag-atubiling sumali ang ating bansa noong una itong laruin sa 1904Olympics sa Berlin. Bagamat may kaliitan ang mga Pilipinong manlalarong naipadala kumparasa mga Europeo, natalo nila ang apat na bansa (Mexico, Eutania, Poland at Italy). Natalo lamangsila ng Estados Unidos na tuluyang naghari sa larong ito hanggang 1968. Mula noon, lubusan ngsumikat ang larong ito sa ating bansa. Dahil sa labis na pananabik sa larong ito, naitatag angilang organisasyon sa ating bansa (MICCA, NCAA, UAAP, at PIBA), ngunit maituturing na isalamang ang tunay na humugis ng basketbol sa ating bansa --- ang PBA o ang PhilippineBasketball Association. Dito lumabas ang ilang mabibigat na kompanya bilang pangalan ng mgakoponan. Crispa, Pop Cola, San Miguel at Purefoods ang ilan lamang sa mga halimbawa.Patuloy na tinatangkilik ng masa ang bawat laro ng PBA lalo na't pinapalabas ito sa telebisyon omaaring pakinggan sa radyo. Sa pamamagitan rin ng basketbol umusbong ang mga career ngmga tanyag na manlalaro tulad nina Lauro "The Fox" Mumar at Sonny "The Living Legend"Jaworski. 2 Ilan sa atin ang pinapayagan ng ating mga magulang na makipaglaro sa labas ng ating tahanan noong tayo ay mga bata pa? Maaaring kung sa probinsiya tayo lumaki at malawak ang ating mga ginagalawan, marahil ay natural lamang na tayo ay pinapayagan. Subalit kung tayo naman ay nagsipaglaki sa siyudad, maraming bagay ang ipinag-aalala ng ating mga magulang kaya’t hindi tayo pinapabayaan makipaglaro sa labas ng ating tahanan. Isa sa mga dahilan ay ang kanilang pag-aalala na baka tayo ay ma-impluwensyahan ng mga elemento na makakasama sa ating buhay. Habang tayo ay lumalaki ay mabilis namang nawawala ang mga lugar na mapaglalaruan ng mga kabataan sa mga siyudad dahil na rin sa kakulangan ng kaalaman ng marami sa ating mga namumuno na gawan ng kaayusan ang ating kapaligiran. Dahil na rin sa mga maling pananaw, naging dahilan ito na mabago ang proseso ng paglaki ng marami sa ating mga kabataan. Nawala ang mga laro na ating kinagisnan tulad ng patintero, tumbang preso at piko. Napalitan ang lahat ng ito nang magsulputan ang mga video games na nilalaro kahit na mag-isa habang nakaupo o nakahiga pa kung minsan sa loob ng bahay. Dahil sa mga makabagong larong tulad nito, maraming karanasan ang nawawala sa ating mga kabataan habang sila ay lumalaki. Isa na rito ang pakikihalubilo sa kapwa. Sa pakikipaglaro natin sa labas ng ating bahay ay natututuhan natin ang iba’t ibang ugali na mayroon ang mga tao. Mayroon sa kanila ang madaling maging kaibigan, mga batang matulungin, mga batang hindi nagsasawang magturo sa atin ng maraming bagay na hindi pa natin alam. Mayroon din namang mga kalarong ayaw tumanggap ng pagkatalo kahit na sila ay mandaya pa ay ipinipilit pa rin na sila ang tama. Sa mura pa lamang nating edad ay nagkakaroon na tayo ng pagkakataon na maranasan ang iba’t ibang ugali ng tao na maaari nating makasalamuha sa ating paglaki. 3 Dito sa Japan, dahil sa halos subsob sa paghahanap-buhay ang mga magulang, ang mga paaralan ay mayroong sistema na binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makisali sa iba’t ibang uri ng sports. Maaaring pumili ang isang bata ng gusto niyang salihang laro at maaaring sumali sa isang sports club kahit na siya ay wala pang kaalaman tungkol dito. Tutulungan siya ng club na matutuhan ang lahat ng kaalaman upang siya ay humusay sa napili niyang laro. Kasabay nito ay mararanasan din niya ang makipagkaibigan at makipag-ugnayan sa iba niyang mga kalaro. Ang mga karanasang ganito ay tutulong sa isang mag-aaral na matutuhan ang iba’t ibang paraan ng pakikisama at pakikipagkapwa kahit na wala sa tabi ang mga magulang nito. Mula sa mga sports club na tulad nito ay maraming magagaling na manlalaro ang napipili upang maglaro sa malalaking koponan. Tulad nang napapanood natin sa Olympics, kilala sa buong mundo ang mga manlalaro mula Japan. Marami na sa kanila ang naglalaro ng baseball sa Major Leagues pati na rin sa mga sikat na soccer teams. Marami sa ating mga manlalaro ang hirap maipakita ang kanilang mga kakayahan at husay sa larangan ng palakasan dahil sa kulang o halos walang suporta mula sa ating pamahalaan. Maaaring mayroong nagsasabi na ang sports ay walang maitutulong para sa kaunlaran ng bayan. Ngunit napapagkaisa nito ang mga mamamayan saan man sulok ng mundo lalo na’t may mga nagwawagi tayong mga atleta tulad ni Manny Pacquiao. Ang ating pagkakaisa ang kinakailangan upang tunay na maiayos ang ating pamumuhay lalo pa at patuloy na lumolobo ang ating papulasyon. Kung magkakaroon lamang ng sapat na lugar ng palaruan para sa 4 mga kabataan sa ating mga bayan, maaaring magkaroon ng ibang pagtutuunan ng pansin ang ating mga kabataan upang mapalayo sila sa masasamang bisyo tulad ng droga. Huwag naman sanang mga basketball court lamang ang ipinatatayo ng mga nanunungkulan. Magkaroon din sana ng mga tennis, badminton, volleyball courts, baseball at soccer fields na libre para sa kanilang mga nasasakupan. Hindi lamang sana mga kalalakihan lamang ang makapaglalaro kung hindi pati na rin ang mga kababaihan. Kailangan din ang mga parke na maaaring pasyalan ng mga magkakapitbahay na mayroon ding lugar na mapaglalaruan ng maliliit pang mga kabataan. Kasama ang kanilang mga magulang, pagkakataon na rin na magkakilala ang magkakapitbahay. Makatutulong din kung magkakaroon ng mga programa sa radyo at telebisyon na nagbibigay kaalaman tungkol sa iba’t ibang uri ng mga sports. Suporta mula sa ating pamahalaan upang mailapit ang ating mga kababayan sa kahalagahan ng sports sa lipunan. Ikinagulat ng buong mundo na mula sa isang bansa na wala namang snow ay nagkaroon ang Pilipinas ng isang figure skater sa kakatapos pa lamang na Winter Olympics sa Sochi, Russia. Mas lalo pang bumuhos ang simpatya ng marami ng malaman na walang tulong na ibinigay ang ating pamahalaan para sa manlalarong ito. Dahil dito ay marami ang gumawa ng paraan upang makalikom ng tulong para maipagpatuloy ni Michael Christian Martinez ang kanyang pangarap na makapagbigay ng karangalan para sa Pilipinas. Bagamat pang-labing siyam na pwesto lamang ang kanyang naabot, para sa bawat Pilipino, si Michael ay isang

English

pagbuod and sentences

Last Update: 2017-03-12
Subject: General
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous
Warning: Contains invisible HTML formatting

Tagalog

maikling kwento ni pagong at kuneho Short story of the tortoise and hare Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa makupad maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak. "Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang mararating niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa. Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang Kuneho. "Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako matatalo." Lalo lamang siyang pinagtawanan. "nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho. "Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon." Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok. Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito. Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si matsing ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan. "Handa na ba kayo". Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!". "Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni matsing. Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumpisahan. Mabilis na nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa paanan ng bundok. Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya kay pagong. Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-lingon. Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa kanyang likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng makarating na siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo. Patuloy naman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera. Ng magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok. Naunahan na pala siya. Minsan sa aking pagmomotor naisip ko lagi na lang akong nagmamadali. Lagi na lang gusto ko mabilis akong makarating sa aming opisina. Madami pala akong nakakaligtaaan. Katulad ng isang kuneho minsan nakakatulog din ako sa daan. Pagtulog na hindi literal kundi panlarawan. Kung ihahalintulad ko ang sarili ko noon at ngayun maari kong sabihin isa akong kuneho na palagi na lang talon ng talon at pagnapagod na ay matutulog. Marahil mas mabuti pang maging isang mabagal na pagong. Isang pagong na matyaga nasa bawat paglakad ay nararamdaman ang saya ng paglalakbay. Magiting na pagong na alam nya sa sariling wala syang magagawa kung tatayo lamang sya at panonooring libak libakin lamang ng kanyang mga Kuneho sa buhay.

English

Short story of the tortoise and hare

Last Update: 2015-01-10
Subject: General
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference:
Warning: Contains invisible HTML formatting

Some human translations with low relevance have been hidden.
Show low-relevance results.

Add a translation

Search human translated sentences



Users are now asking for help: un saludo (Spanish>Italian) | surname (English>Hungarian) | gambar kontol indonesia (Spanish>English) | [ nikon $400 ] (Turkish>English) | carpe natem (Latin>English) | punda unan (Tagalog>English) | mai chahta hu (Hindi>English) | manjistha powder (English>Tamil) | pogaru pothu (Telugu>English) | aapka swagat hai (Hindi>English) | s'enfermer (French>English) | x** video xx (Hindi>English) | nopalinesynthasegen (Dutch>German) | corporate group (English>Italian) | beeg (Telugu>Malay)


Report Abuse  | About MyMemory   | Contact Us


MyMemory in your language: English  | ItalianoEspañolFrançaisDeutschPortuguêsNederlandsSvenskaРусский日本語汉语한국어Türkçe

We use cookies to enhance your experience. By continuing to visit this site you agree to our use of cookies. Learn more. OK