MyMemory, World's Largest Translation Memory
Click to expand

Language pair: Click to swap content  Subject   
Ask Google

You searched for: may kusa sa trabaho at hindi na kailangang ... ( Tagalog - English )

    [ Turn off colors ]

Human contributions

From professional translators, enterprises, web pages and freely available translation repositories.

Add a translation

Tagalog

English

Info

Tagalog

Ang Matanda There nanghihina Na Ang katawan at Hindi Na Sila makakilos Ng normal.

English

ang matanda ay nanghihina na ang katawan at hindi na sila makakilos ng normal.

Last Update: 2015-06-14
Subject: History
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous

Tagalog

Mahal ko sana kung nasan ka man ngaun mag ingat ka palagi wag kang susuko mga pagsubok lang yan na kailangang pag daanan at sana mahal ko makapasok kana sa trabaho mo ng maaga kasi malapit na akong manganak , mahal na mahal ka namin mahal ko sobra ..

English

I would know where you are u careful you do not always give up the test thanks to the passage and hope that I get to work early because I was close to giving birth, we love you very much my love ..

Last Update: 2017-04-09
Subject: General
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference:

Tagalog

Sir ngayon alam ko na kung ano ang naramdaman ng mga lalaki tinangihan ko noon masakit pala kasi ikaw ginawa mo rin sa akin ninakaw mo ang saya sa puso at ngiti sa mga labi ko kasi bago ako matulog tinitingnan ko muna ang cellphone ko binabasa ko ang mga conversation natin pero ng sinabi mo sa akin na huwag na ako mag text sa iyo binura ko na ang lahat ng text conversation natin ang totoo ayoko ng mag text sa iyo kahit tungkol sa trabaho pero hindi naman puwede sana pagbigyan mo na lang ang kahibangan ko sa iyo kasi masaya ako pag kausap kita alam ko naman ang limitasyon ko dati akala ko humahanga lang ako sa iyo kasi mabait ka sa akin pero hindi ko sinasadya may naramdaman ako sa iyo bilang isa babae at nangarap ako na sana dumating ang oras at panahon na maramdaman mo rin ang naramdaman ko para sa iyo minahal kita ng hindi ko sinasadya at hindi kana mawawala sa puso ko kahit kelan kasi ikaw ang pangalawa lalaki minahal ko lihim nga lang at mananatili lihim at alam mo ba na ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpapaganda pag meron nagsasabi sa akin na gumaganda ako masaya ako kasi totoo pala na ikaw ang dahilan kung bakit ako gumaganda kaya kahit hangang sa sulat lang gusto ko sabihin sa iyo ROLANDO REYES CRUZ pasensiya kana minahal kasi kita

English

QUERY LENGTH LIMIT EXCEDEED. MAX ALLOWED QUERY : 500 CHARS

Last Update: 2017-01-26
Subject: General
Usage Frequency: 3
Quality:

Reference:

Tagalog

Reaksyon naming kabataan...... Hindi naman lingid sa atin na halos lahat o karamihan sa mga mamamayang pilipino ay nalululong na sa masasamang bisyo o mga pangkaraniwang gawain na masyado na tayong nagiging adik sa mga bagay na ito. Hindi rin natin maitatanggi na kahit kaming mga kabataan na ayon kay Gat Jose Rizal ay siyang pagasa "daw" ng bayan ay nalululong na din sa mga bisyong ito. Lubhang nakakalungkot kung ating iisipin na kung bakit kaya pilit na dumadami ang bilang ng mga taong nalululong sa mga bisyong ito sapagkat kahit saang anggulo naman natin tingnan walang kagandahang maidudulot sa atin, sa halip, nakakasama pa ito sa ating kalusugan, kapaligiran at sa buong sistema ng ating buhay. Ang pag-gamit ng droga, maaaring magkaroon ng depekto ang isipan at takbo ng pagiisip ng taong gumagamit nito. Ang alak at sigarilyo naman, lubhang naaapektuhan ang kalusugan ng taong nalulong sa bisyong ito, nasisira nito ang importanteng "organs" ng ating katawan tulad na lamang na baga, puso, at maaari ding masira ang ibang parte ng ating utak at ang pagsusugal naman, hindi man ito marahil umiipekto sa ating kalusugan o pagiisip ay mas matindi naman ang epekto nito sa relasyon natin sa ating pamilya, dahil pag naadik ka sa sugal, kakaunti na lang ang maitutuon mong oras sa iyong pamilya, hindi mo sila mabibigyan ng sapat na atensyong kailangan nila, sa ganitong sitwasyon magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa mga miyembro ng pamilya na maaaring humantong sa matinding hidwaan. Dahil sa pagkalulong sa mga bisyong ito, nauudyokan ang isang tao na gumawa ng masamang mga bagay tulad ng krimen... pagnanakaw, pagpatay at iba pang masasamang gawain para lang matustusan ang kanilang mga bisyo. Ang mga taong ay nahuhumaling sa bisyo dahil gusto nilang takasan at kalimutan ang kanilang mga problemang hinaharap. Dahil din sa sobrang katamaran ng mga pilipinong pabanjing banjing lang at mga walang magawa sa buhay kaya wala ng alam gawin kundi lumaklak ng alak at magpakaadik sa droga. Ang ating gobyerno ay gumagawa na ng mga hakbang upang hindi na lumala pa ang sitwasyon tungkol sa droga, hinuhuli nila ang mga gumagawa at nageexport ng droga sa ating bansa at pinapatawan ng mabigat na parusa at ang mga nahuhuling gumagamit ng droga ay hinuhuli at pinapatawan din ng parusang nararapat lamang sa kanila. Hindi pa rin sapat ang ginagawa ng gobyerno para sa problema ng bansa ukol sa pinagbabawal na gamot. Ang mga nalulong na sa droga ay kailangang idala sa mga rehabilitation centers upang sila ay magamot ngunit nangangailangan ito ng mahabang proseso... Lubhang kay sakit isipin ng mga bagay na ito. na kung tutuusin ay hindi naman mahirap umiwas at pigilan ang mga bisyong ito. Hindi rin naman ganon kahirap magbagong buhay kung atin lamang gugustuhin. Kaya sana sa pagtakbo ng oras at paglipas ng mga araw, hindi na sana lalong dumami ang bilang ng mga taong nalululong sa mga bisyong ito. Huwag na nating bigyan ng atensyon ang mga ito, sa halip bigyan natin ng pansin ang mga taong nakapaligid sa atin, ang ating mga pamilya, pag-aaral o trabaho at higit sa lahat ang Mahal na Panginoong Jesus.

English

essays

Last Update: 2016-09-13
Subject: General
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference:
Warning: Contains invisible HTML formatting

Tagalog

Malalim na ang gabi at abalang-abala pa sa pananahi ang dalawang magkapatid na babae. Tinatahi nila ang mga kamisa at saya nila, na isusuot nila para sa isang misa kinaumagahan. Ibinilin ng kanilang ina na siguruhing nakasara ang pinto at mga bintana ng kanilang bahay, kundi ay papasok ang duwende, na bumibisita sa kanila tuwing hatinggabi. Upang malaman ng kaniyang mga anak kung ano ang duwende, ikinuwento niya ito: “Katulad lang ng mga ordinaryong tao ang mga duwende. Tuso silang mga nilalang, ngunit matulungin din. Ilan sa mga kapilyuhang ginagawa nila ay ang pagsira sa mga muwebles at mga larawan, pagbasag sa mga salamin, baso, plato, at tasa. Kung hindi sila makahanap ng mga bagay na sisirain o babasagin, kinukurot nila ang mga pisngi, braso, at katawan ng mga tulog na babae, upang maging mabigat ang pakiramdam nila pagkagising. Kung hindi kinaasaran ng mga duwende ang mga nakatira sa bahay na madalas nilang bisitahin, nagpapakita sila ng kabaitan sa mga ito. Sinasabing dinadalhan nila ang mga kaibigan nila ng mga masasarap na pagkain at ipinagtatanggol sila mula sa mga masasamang nilalang. Maraming tao tuloy ang sabik ngunit balisang makakilala ng duwende. Itinuturing nila ang mga nilalang na nagtataglay ng kakaibang karunungan dahil sinasabing alam na alam nila ang mga lihim at ikinikilos ng mga tao. Ngunit kung sakaling ang mga naging kaibigan ng duwende ay biglang nagsabi ng anumang masama o nagbalak ng masama sa kanila, kahit pa hindi sila marinig ng mga duwende, ay parurusahan sila at hindi na muling babalikan. “Ang duwendeng binabanggit ko rito ay madalas sa bahay namin habang ang nanay ko, o ang lola ninyo, ay buhay pa. Parati niyang sinasabi sa aming isara ang pinto at mga bintana bago kami matulog. Isang gabi, nang nagtatahi rin kami ng kapatid ko ng kamisa at saya, nakalimutan naming isara ang mga bintana at pinto. Ilang segundo bago maghatinggabi, naroon ang isang maliit na nilalang na nakatayo sa aming pinto. Maliit siya, kasinliit lamang ng isang dalawang taong gulang na bata; pula ang kaniyang mukha; mayroon siyang mahabang bigote at maputing kulot na buhok. Maigsi ang mga braso niyang balingkinitan, ngunit malaki ang mga kamay niya--malaki para sa kaniyang braso.” Nang marinig ng mga dalaga ang kuwento ng kanilang ina, natakot sila. Nang maghatinggabi, narinig nila ang mga tunog: takla, takla, takla. Gawa ito ng duwende. Takot na takot ang dalawa. Lumingon ang panganay, at nakita niya ang duwende na pumapasok sa pinto. At katulad ng inaasahan, tumakbo at tumalon siya papasok ng bahay, papunta sa mga dalaga. Dahil doon, nasipa niya ang isang gasera, na nagpaliyab sa mga kamisa at saya. Mula noon, naging maingat na ang magkapatid at ang buong bayan ng Legaspi sa duwende. Isinasara na nila ang kanilang mga pinto at mga bintana bago sila matulog sa gabi.

English

the dwarfs riddles from bikol

Last Update: 2015-11-30
Subject: General
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference:

Tagalog

Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang na makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang kanyang asawa. Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila pero dahil sa kawalan ng pera hindi na ito napabalik sa kanila kaya nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na sya na lang ang magsaka sa kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka si Tata Selo kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil may iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi sya pinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano na syang ikinamatay nito. Kaya nakulong si Tata Selo. Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo. Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa. Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito, dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang lahat"

English

tata selo

Last Update: 2015-10-20
Subject: General
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference:
Warning: Contains invisible HTML formatting

Tagalog

para magkaroon ng experience sa trabaho, at para makatulong sa pamilya ko at makadagdag sa pangangailangan sa aking pag-aaral. at ipinapangako na pagbubutihin ko ang pagtratrabaho sa inyong kompanya, at maging mabuti sa bawat costumer na darating.

English

to have work experience, and to help my family and complement the needs of school. and promises to improve the working of your company, and be good to each costumer to come.

Last Update: 2015-06-27
Subject: General
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference:

Tagalog

diyos ko hanggang kailan ko makakayanan at mapaglalabanan ang pagsubok na dumating sa buhay ko,,kayo na po ang bahala aking po isunusulit ng buong buo at walang alinlangan,patawarin po ninyo ako sa mga maling nagawa ko at paglabag ko sa banal na kautusan ninyo,,lahat po ay napagsisihan kuna at naituwid ko ang mga maling nagawa ko,alam ko na mapapatawad nyo ako,pero sa mga mahal ko sa buhay na di nila ako mapatawad kahit napakaraming beses akong nagmakaawa at nakiusap na bigyan ng pagkakataon na ipakita at patunayan ko na nasa tamang daan ako at hindi na babalikan ang maling daan,panginoon kayo lang po ang nagiisang diyos,at panginoon ko kayo napo ang bahala sa natitirang sandali na ilalagi ko sa mundong ito...wala po akong galit o sama ng loob sa pamilya ko kahit di nila ako matanggap na kapamilya at kadugo,dahil ako po ang nagkamali at nasaktan ko ang mga kalooban nila......

English

tagalog to ilocano translate

Last Update: 2015-05-16
Subject: General
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference:

Tagalog

at kaya po ako bumagsak ng 1st grading halos wala po akong assignment at hindi po ako gumagawa ng mga activity at dumagdag pa ang kapapasaway ko kaya hindi ako pumasang1st grading at nasabe ko sa sarili ko simula ng 2nd grading hindi na ako mag iingay at lalayo na ako sa mga kadaldalan ko at nang umupo ako sa unahan minsan nyo nalang ako tinatawag kasi humiwalay na ako sa mga maiingay

English

and so I am fell by the 1st grading almost do not have assignment and I am not doing the activity and increase the kapapasaway so I pumasang1st grading and nasabe myself beginning of the 2nd grading I will not hurry away to I prattle and when I sit in front of me just call me once because I separated noisy

Last Update: 2015-03-01
Subject: General
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference:

Tagalog

nemo ang batang papel rene villanueva(tagalog) Si Nemo ay isang batang yari sa ginupit na diyaryo. Pinunit-punit, ginupit-gupit saka pinagdikit-dikit, si Nemo ay ginawa ng mga bata para sa isang proyekto nila sa klase. Ngayo’y bakasyon na. Si Nemo’y naiwang kasama ng ibang papel sa silid. Nakatambak siya sa bunton ng mga maalikabok na polder at enbelop. Isang araw, isang mapaglarong hangin ang nanunuksong umihip sa silid. Inilipad niya sa labas si Nemo. Nagpalutang-lutang sa hangin si Nemo. Naroong tumaas siya; naroong bumaba. Muntik na siyang sumabit sa mga sanga ng aratiles. Nang mapadpad siya sa tabi ng daan, muntik na siyang mahagip ng humahagibis na sasakyan. Inangilan siya ng dyip. Binulyawan ng kotse. At sininghalan ng bus. Mabuti na lamang at napakagaan ni Nemo. Nagpatawing-tawing siya sa hangin bago tuluyang lumapag sa gitna ng panot na damo sa palaruan. Nakahinga nang maluwag si Nemo. Ngunit nagulantang siya sa dami ng nagtatakbuhang paa na muntik nang makayapak sa kaniya. Naghahabulan ang mga bata at kay sasaya nila! Araw-araw, tuwing hapon, pinanonood ni Nemo ang mga naglalarong bata. Inggit na inggit siya sa kanila. Tuwing makikita niya ang mga bata sa palaruan, gustong-gusto rin niyang maging isang tunay na bata. “Gusto kong tumawa tulad ng totoong bata! Gusto kong tumakbo tulad ng totoong bata! Gusto kong maghagis ng bola tulad ng totoong bata!” Sabi nila, kapag may hiniling ka raw na gusto mong matupad, kailangang sabihin mo ito sa pinakamalayong bituin sa langit. Kaya isang gabi, matiyagang nagbantay sa langit si Nemo. Hinintay niya ang paglabas ng pinakamalayong bituin. At nang makita niya ito, sinabi niya ang kaniyang hiling. “Bituin, bituin, tuparin ngayon din Ako’y gawing isang batang masayahin!” Pumikit nang mariin na mariin si Nemo. Naramdaman niyang parang umiikot ang paligid at nagkakagulo ang mga busina ng sasakyan. Totoong bata na si Nemo! Pagdilat niya’y kasama na niya ang kaniyang totoong Tatay na walang trabaho, at totoong Nanay na payat na payat, at walong totoong kapatid na ang ingay-ingay sa isang masikip, makipot, at tagpi-tagpi pero totoong bahay. “’Wag kayong tatamad-tamad,” sigaw ng kaniyang totoong tatay. “Magtrabaho kayo!” Kaya napilitang tumakbo si Nemo palabas ng bahay. Palakad-lakad si Nemo sa kalye. Hindi niya pansin ang mga humahagibis na bus. Hindi niya pansin ang mga humahagibis na dyip. Isip siya nang isip kung paano makakatulong sa kaniyang totoong pamilya. Kahit bata pa, napilitang maghanapbuhay si Nemo. Sa umaga’y nagtinda siya ng sampagita at humahabol-habol sa mga kotse. Pagod na pagod si Nemo araw-araw. Pakiramdam niya, pabilis nang pabilis ang kaniyang pagtanda. Kaya naisipan niyang pumasok sa eskuwela. Sumilip siyang muli sa paaralang pinanggalingan niya. Pero dahil marumi ang kaniyang suot at wala siyang sapatos, inirapan lang si Nemo ng libro. “Hindi ka bagay dito!” sabi ng libro. “Ang baho-baho mo!” Nagalit din sa kaniya ang mesa. “Ang dumi-dumi mo!” sinigawan din siya ng pisara. “Alis diyan!” Kaya napilitang tumakbo si Nemo. Nagtatakbo siya nang nagtatakbo hanggang sa gilid ng dagat. Sinabi ni Nemo ang problema niya sa dagat pero naghikab lang ito. At kahit ang alon na puno ng layak ay nagtakip ng ilong nang maamoy siya. “’Wag mo nang dagdagan ang basura dito!” sigaw nito kay Nemo. Malungkot na naglakad-lakad si Nemo. At sa maraming kalye ng marusing na lungsod, sa bawat sulok ay may nakita siyang mga batang-kalye. May nagbebenta ng sampagita. May nagtitinda ng sigarilyo at diyaryo habang maliksing sumasabit-sabit sa mga sasakyan. May mga kalbo, galisin, at palaboy na yakap-yakap ang supot na plastik na kapag sinisinghot nila ay parang nagguguhit sa kanilang mukha ng mangmang na ngiti. May mga batang butuhan ang binti at malamlam ang mata na akay-akay ng matatatandang puti na parang kislap ng balisong ang kislap ng mata. “Kay dami-dami palang batang kalye,” naisip ni Nemo. Kung gabi, kung halos hindi umihip ang mapanuksong hangin, ang mga batang kalye ay nagtitipon-tipon sa parke na may monumento ng bayaning may kipkip na libro. Tumatakbo sila. Naglulundagan. Nagbibiruan. Naghahagikgikan. Pero napansin ni Nemo na walang taginting ang kanilang halakhak. Parang pumanaw na ang kislap sa sulok ng kanilang mata. Sumama si Nemo sa iba pang batang lansangan. Nagtipon-tipon sila sa isang bahagi ng parke. At sa dilim ng gabi, nagsimula silang maglaro at magkantahan. Nalaman ni Nemo na marami palang batang tulad niya. Mga batang lansangan, mga batang kailangang maghanapbuhay dahil sa kahirapan. Tinipon ni Nemo ang iba pang batang lansangan. Nang magkuwentuhan sila, nalaman nilang pare-pareho pala ang kanilang gusto: mapagmahal na magulang, maayos na tahanan, masayang paaralan, at sapat na pagkain. Ipinagtapat ni Nemo ang lihim na kaniyang natuklasan. Matutupad ang anumang pangarap kapag hiniling sa pinakamalayong bituin. Sabay-sabay silang tumingala sa pinakamalayong bituin sa langit at hiniling nila ang lahat ng ito. “Bituin, bituin, tuparin ngayon din Lahat kami’y gawing batang masayahin.” Sa isang iglap, lahat sila ay naging batang papel. Inilipad sila ng hangin. Kay gaan-gaan ng kanilang pakiramdam. Kay saya-saya nila dahil malayo na sila sa magulong pamilya, malupit na eskuwela, at maingay na kalsada. Nagtaka ang mga taong nakakita sa palutang-lutang na mga batang papel. Marami ang naawa sa kanila. Pero ang hindi nila alam, mas maligaya na ngayon ang mga batang papel, gaya ni Nemo, kaysa mga totoong bata na kailangang makibaka at mabuhay sa malupit na kalsada. Mula sa: Ang Gintong Habihan: Mga Kuwentong Premyado ng Palanca. (1998). Maynila: Tahanan Books for Young Readers

English

Nemo the little paper rene villanueva (Tagalog)

Last Update: 2015-02-16
Subject: General
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference:

Some human translations with low relevance have been hidden.
Show low-relevance results.

Add a translation

Search human translated sentences



Users are now asking for help: konfidenzintervall (German>Slovak) | aloje (Spanish>English) | video za ngono tanzania (Swahili>English) | bh (German>Dutch) | bati na tayo please (Tagalog>English) | rajdhani ki english (Hindi>English) | afvoerbuizen (Dutch>English) | tum kab tak aaoge (Hindi>English) | candida me capiet, capiet me flava puella (Latin>Italian) | stranga (Esperanto>English) | x** video xx hd video (Hindi>English) | consultado (English>Spanish) | riportando direttamente (Italian>English) | halimbawa ng liham na humihingi ng tulong (Tagalog>English) | mi amora (Spanish>English)


Report Abuse  | About MyMemory   | Contact Us


MyMemory in your language: English  | ItalianoEspañolFrançaisDeutschPortuguêsNederlandsSvenskaРусский日本語汉语한국어Türkçe

We use cookies to enhance your experience. By continuing to visit this site you agree to our use of cookies. Learn more. OK