MyMemory, World's Largest Translation Memory
Click to expand

Language pair: Click to swap content  Subject   
Ask Google

You searched for: balagtasan tungkol sa sipag at talino    [ Turn off colors ]

Human contributions

From professional translators, enterprises, web pages and freely available translation repositories.

Add a translation

English

Tagalog

Info

KASABIHAN TUNGKOL SA AKLAT

Aklat-pampaaralan

Last Update: 2014-11-03
Usage Frequency: 1
Quality:
Reference: Wikipedia

tula tungkol sa lipunan

ang mga manglalakbay

Last Update: 2014-10-31
Subject: General
Usage Frequency: 1
Quality:
Reference: Anonymous

Kaisa-isa lamang ang naging hanapbuhay ni Mang Kardo – ang maging isang mag-aalahas. Sapul pa sa pagkabata ay namulat na siya sa paglikha ng mga alahas kagaya ng singsing, kuwintas, at pulseras, na hubog mula sa ginto o pilak. Ito ay talino na namana sa ama – na di nagpabaya sa pagtuturo sa anak -- hanggang sa siya'y tiyak na maging mahusay na alahero rin katulad niya. Nag-aral sa elementarya at mataas na paaralan si Mang Kardo, nguni't hindi na nakatuntong ng kolehiyo. Wika ng ama: “Para ke pa na mag-aksaya ka ng mahabang panahon sa kolehiyo; sa wakas ay hanapbuhay din ang hahanapin mo. Heto na ang hanapbuhay -- nakalantad na sa harapan mo, sunggaban mo na. Ibibigay ko sa iyo ang mga kasangkapan at lahat ng mga sekreto upang magkaroon ka ng matagumpay na hanapbuhay. Ngayon din ay may hanapbuhay ka na, kung pipiliin mong magsimula na.” Naging dalubhasa si Mang Kardo sa paggawa ng alahas. Naging tanyag na pagawaan ng alahas ang negosyo nilang mag-ama – ang Plateria Gonzales sa Moriones, Maynila. Minsan ay malamig na piraso ng dilaw na bakal at sa galing ng isip sa paggawa ng desenyo at husay ng mga mata at kamay ni Mang Kardo, ito'y nagiging kagila-gilalas na alahas na kung naangkupan ng makikinang na brilyante ay nagiging mamahaling hiyas. Ang Plateria Gonzales ay isang lumang bahay sa panulukan ng Moriones at Ylaya sa Tundo. Ang itaas ay naging tirahan ni Mang Kardo at ng asawa niyang si Rosal. Nasa ibaba naman ang pagawaan ng alahas. Karamihan sa mga nangangailangan ng alahas noong mga panahong iyon ay sa Escolta at sa Florentino Torres sa Sta. Cruz tumutungo at doo'y gumagastos ng mahigit pa sa presyo ni Mang Kardo upang makabili ng alahas na di naman kasing-ganda. Nguni't ang mga nakaaalam ay winawalang bahala ang abala sa pagtungo sa isang ilang na kalye sa Tundo, magkaroon lamang ng alahas na gawa ni Mang Kardo. Naging parokyano niya ang mula sa mayayamang pamilya sa Maynila at sa mga kanugnog na pook, at maging ang mga taong nasa matataas na puwesto sa gobyerno at pati na ang mga artista sa pelikula. Matindi ang pagnanasa ni Mang Kardo at ni Rosal na magkaroon sila ng anak, lalaki sana, upang magkaroon, sa pangmatagalang panahon, ng katulong sa hanapbuhay. Nguni't di sila pinagkalooban ng anak. Sa halip ay nagkaroon ng limang katulong si Mang Kardo. Sa lakas ng bugso ng mga mamimili na dumarating sa plateria araw-araw ay kinailangan niya na umupa ng mga tauhan. Matapos maturuan ang isang katulong, kapag ito ay mahusay na, karaniwang ito ay lumilisan upang humanap ng higit na mataas na suweldo o di kaya ay upang magpundar ng sariling plateria. Malimit na magpalit ng tauhan si Mang Kardo, hindi dahil sa isa siyang taong mahirap na pakitunguhan, kundi dahil sa ang mga kinukuha niyang tauhan ay di nagtatagal; kapag natutunan na ang sekretong itinuro ni Mang Kardo, sila ay naniniwalang makakukuha sila ng higit na magagandang hanapbuhay sa higit na malalaking plateria at nagbibitiw. Sa kasalukuyan ay nag-iisa na lamang si Mang Kardo sa plateria. Lumipas ang panahon, dumami ang mga kakompetensya sa paggawa ng alahas, kumaunti ang dating ng mga suki sa Plateria Gonzales, humina ang kita ni Mang Kardo. Sa kasalukuyan, animnapu't pito na ang edad ni Mang Kardo. Mahina na ang mga mata at may kaunting nginig na ang mga kamay. Marahil ay dahilan din ito ng paghina ng kita ni Mang Kardo – kumaunti ang mga suki, marahil, ay napansin ang pagbabago sa uri at husay ng trabaho niya. Nguni't ang malaking dahilan kung bakit lumipas ang katanyagan at ligsi ng hanapbuhay ni Mang Kardo ay ang pagkakasakit ni Rosal. Isang araw ay may naramdamang kirot si Rosal sa parte ng kanyang likod. Tumungo silang mag-asawa sa isang dalubhasa sa likod. Matapos kumunsulta, ayon sa pagsusuri at x-ray, nabatid na may “emphysema” si Rosal. Ang pagsakit ng likod ay nauwi sa pagbigat ng paghinga at kawalan ng sigla at panglasa sa pagkain. Naging madalas ang pagpunta sa doktor at napabayaan ni Mang Kardo ang kanyang negosyo. Namayat si Rosal at kinailangang may nakakabit na "oxygen tank" sa kanyang katawan nang palagian upang makahinga nang maluwag. Matindi ang kalungkutan at pag-aalala ni Mang Kardo. Ang kaisa-isang kasama niya sa buhay ay nasa bingit ng kamatayan! Ang bigat sa damdamin na dulot ng sakit ay bukod pa sa bigat sa bulsa na palagiang bumabagabag sa isipan ni Mang Kardo. Ang kanyang naipon ay naubos na sa kababayad sa doctor at gamot. At ang maliit na kita niya ay kulang pa sa pagbabayad sa pang-araw-araw na gastusin gaya ng pagkain, pamasahe at panggastos sa negosyo. Tagsalat sa buhay ang mag-asawang Mang Kardo at Rosal. Susubukan ng doktor na sa pamamagitan ng operasyon ay maalis ang masamang parte ng baga. Salapi lamang ang namamagitan sa paggaling ni Rosal at paglubha. Kailangang-kailangan ni Mang Kardo ang salapi – di lamang niya alam kung papaano hahanapin ang kailangang-kailangang salapi. Isang araw ay may dumating na parokyano sa plateria. Nakapinid nang kalahati ang pinto. “Mang Kardo, Mang Kardo . . . Bukas po ba kayo?” tanong ng dumating. Lumitaw sa pintuan si Mang Kardo galing sa itaas ng bahay na kung saan ay binabantayan niya ang asawa. “Oo, Ineng, pasok.” sabi ni Mang Kardo. Pumasok sa plateria ang isang dadalawampuing dalaga na may kataasan, mahabang buhok, at balingkinitang katawan. “Kayo po ba si Mang Kardo?” Tumango ang platero. “Ako po si Melinda, anak ni Mrs. Guerrero, suki ninyo. Dito raw po ako magpagawa ng singsing na pangkasal, sabi ng mama.” “Dala ko po ang singsing ng mama; ibig po naming ipabago ang desenyo nito nguni't gamit din ang dating ginto at bato. Kasi po ay makaluma ang desenyo. Ito po ay pamana ng mama sa akin; at ako'y ikakasal sa susunod na buwan,” paliwanag ng dalaga. Gamit ang kanyang salaming pampalaki, sinilip ni Mang Kardo ang singsing. “Natatandaan ko ang singsing na ito. Regalo ng papa mo sa mama mo nang sila'y magdiwang ng ikatatlumpung anibersaryo. Napakagandang brilyante nito, at di pangkaraniwan ang halaga. Bagay na bagay na maging singsing pangkasal ng isang napakagandang bata katulad mo.” “Kailan mo ba kailangan ito, Ineng?” Tanong ni Mang Kardo. “Ang petsa ng kasal namin ay Hunyo a dose po. Matatapos po ba ninyo bago mag-Hunyo?” Tanong ng dalaga. “Samakatuwid ay mayroon akong halos ay isang buwan . . . O sige, anak, bumalik ka sa Mayo a beinte singko at ang singsing ay tapos na sa araw na iyon.” Lumisan ang dalaga at agad na sinuri ni Mang Kardo ang singsing. Kinilatis nang higit na masusi ang bato sa singsing. Makikitang nag-iisip si Mang Kardo at mapapansin ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo. Inikot-ikot ng kanyang mga daliri ang singsing habang nakasilip naman sa kanyang salaming pampalaki upang matiyak na ang brilyante ay mataas ang uri at ang kulay ay di pangkaraniwan. “Kung limampung libong piso lamang ay may halaga ang batong ito!” Bulong ni Mang Kardo sa sarili. At doon nagsimula ang kalbaryo ni Mang Kardo. Limampung libong piso ang maaaring magligtas sa buhay ni Rosal, kung ang operasyon ay magiging isang tagumpay. Naisip niyang makagagawa siya ng kababalaghan. Gagamitin niya ang kanyang galing upang ang kristal sa puwit ng baso ay magmukhang brilyante. At ang tunay na brilyante sa singsing ni Melinda ay madaling makapagbibigay ng salaping kailangan ni Rosal sa operasyon, kung ito'y maipagbibili sa isang mayamang mag-aalahas na Intsik sa Tambunting. Ganoon din ang gagawin sa ginto -- maipagbibili niya ito at ang metal na gagamitin sa singsing ni Melinda ay tanso at ito'y itutubog sa ginto. Sa mga araw at linggong lumipas, naging napakaabala ni Mang Kardo sa pagguhit sa papel ng iba't ibang desenyo, sa pagputol ng bakal, pagkikil, pagtunaw at paghubog nito, upang makalikha ng isang di pangkaraniwang singsing alay kay Melinda. Ang kristal naman mula sa puwit ng baso ay mataimtim niyang pinilas, tinapyas-tapyas, binigyan ng hugis, kininis at pinakinang hanggang sa maging wari mo ay mamahaling brilyante. Nguni't hindi rin mapagkatulog si Mang Kardo. Habang abala, malimit ay nagiging tulala at tila balisa. Minsan ay ginising siya ni Rosal dahil sa umuungol sa pagtulog. Lingid sa kaalaman ni Rosal ay nanaginip si Mang Kardo. Kitang-kita niya sa panaginip ang anyo ng ama na mabagsik ang tabas ng mukha at paturong iniwawagayway ang daliri habang nangangaral: "Kardo, Kardo . . . Makailang ulit ko ba sasabihin sa iyo na ang pagiging mag-aalahas ay tila pagiging asawa ni Cesar? Kailangan ay wala kang ni bahid man lamang ng pag-aalinlangan!" Kay lakas ng tukso, isang buwang nagdusa si Mang Kardo, naghimagsik ang damdamin niya at nagulo ang isipan, nagtalo sa kanyang budhi ang kabutihan at kasamaan -- at sa huli ay namayani ang kabutihan. Isip niya, “Ipagkakatiwala ko sa Diyos ang paggaling ni Rosal.” Mayo a beinte singko. Gaya ng kasunduan, dumating si Melinda sa plateria upang tubusin ang singsing. “Ay, naku, Melinda, napakaganda ng kapalaran mo! Ang nalikha kong singsing ay napakaganda, napakataas ng uri, napakadalisay na ginto at bato --- pambihirang pilas ng yaman na naaangkop sa ganda mo at sa puso mong busilak!” pagmamalaki ni Mang Kardo. “Maraming salamat, Mang Kardo. Nguni't hindi po matutuloy ang kasal.” ani Melinda. “Hindi matutuloy?!” Gulat na itinanong ng matanda. “Hindi po. Mangyari ay may-asawa na pala si Joey. May nagsabi sa akin nito, at bago maging huli ang lahat, ay pinaamin ko si Joey kung totoo o hindi. At sabi niya ay totoo. Mang Kardo, natanso ako,” malungkot na salaysay ng dalaga. “Malungkot ang nangyari sa iyo, anak; nguni't bata ka pa, marami ka pang makikilalang kaibigan na higit na maginoo kaysa kay Joey. Ipagdiwang mo na nabatid mo ang katotohanan nang maaga pa, kaysa sa magsisi ka sa huli. Kipkipin mo at mahalin mo ang singsing na ginawa ko alay sa iyo. Maging alaala sana ito na kahi't na may kasamaan sa mundo ay nananaig pa rin ang kabutihan. Sana ay manatiling totoo, dalisay at busilak ang iyong puso, makinang at kaakit-akit ang iyong pagkatao, kagaya ng singsing na iyan na tunay na brilyante at hindi tubog sa ginto.” Ngumiti ang dalaga, tinanggap ang singsing, isinuot sa daliri, hinalikan si Mang Kardo sa noo, at nagpaalam... Sinundan ng tingin ni Mang Kardo ang dalaga hanggang sa maglaho siya sa kanyang paningin. Isinara niya ang pinto at pagkatapos ay bumaling at naglakad patungo sa hagdan. Sa itaas ng bahay ay naghihintay si Rosal.

maikling kuwento isalin sa ilocano

Last Update: 2014-11-02
Subject: General
Usage Frequency: 1
Quality:
Reference: Anonymous
Warning: Contains invisible HTML formatting

Add a translation