Google fragen

Sie suchten nach: at dinala niya ito sa underground basement (Tagalog - Englisch)

Menschliche Beiträge

Von professionellen Übersetzern, Unternehmen, Websites und kostenlos verfügbaren Übersetzungsdatenbanken.

Übersetzung hinzufügen

Tagalog

Englisch

Info

Tagalog

Mayroong nagkwento sa amin dati na ang dating nakatira sa bahay na tinirahan namin ay namatay o nagpakamatay doon na isang abogadong lalaki at isang beses ay nagpakita iyon sa akin naglalakad siya sa isang kwarto habang nakapatay ang ilaw doon at nung panahong iyon ay naglalaro kami ng mga kapatid ko ganoon rin kay mama nakita niya ito sa cabinet na putol ang ulo.

Englisch

Someone once told us that the former occupant of the house where we lived died or committed suicide there who was a male lawyer and once that showed me he was walking in a room while the light was off there and at that time we were playing my brother did the same to mama he saw it in the cabinet with his head cut off.

Letzte Aktualisierung: 2020-09-13
Nutzungshäufigkeit: 1
Qualität:

Referenz: Anonym

Tagalog

Luc.8:57: Ngunit hinawakan niya ito sa kamay at TUMAWAG, na sinasabi: "Dalagita, bumangan ka!

Englisch

But he took her by the hand and called to her: "Child, get up!"

Letzte Aktualisierung: 2016-01-04
Nutzungshäufigkeit: 1
Qualität:

Referenz: Anonym
Warnung: Enthält unsichtbare HTML-Formatierung

Tagalog

Si Pinkaw  ang babaeng kaawaawa nasiraan siya ng bait ng pumanaw ang kanyang tatlong anak, dahil sa pagkain ng mga ito ng sirang sardinas. Balikan natin ang mga pangyayari noong mga araw na hindi pa nasisiraan ng bait si Pinkaw siya mabait at masipag na ina ikinabubuhay nila ang pagbabasura o pag kuha nila ng mga basurang maaring ibenta bilang kalakal. Ang mga kalakal na nakukuha nila ay ibenebenta nila sa isang intsik.Ngunit namatay ang kanyang asawa sa sakit na epilepsy habang ipinagbubuntis niya ang kanyang bunsong anak.   Mag-isang itinaguyod ni Pinkaw ang kanyang tatlong anak sa kabila ng hirap na nararanasan nila may positibong pananaw parin sa buhay si Pinkaw sa katunayan habang nag kakalkal ng basura ay nagagawa parin niyang umawit at nakakatulong parin sa iba parang hindi nya iniinda ang hirap ng buhay.Iniuuwi niya ang mga tira tirang pagkain na nakukuha niya sa basurahan at mga bagay na maari pang pakinabangan at ipinasasalubong niya ito sa kanyang mga anak.  Siya ay may tatlong anak si Poray ang kanyang panganay na anak na labing tatlong tatlong taong gulang mataas at payat sinasabing para daw itong panakot sa uwak sa maisan. Si Basing ang pangalawa niyang anak na isang sungi, ngunit mahilig pumangos ng tubo samantalang umaagos lamang ang katas nito sa biyak niyang labi. At si Takoy ang bunso niyang anak maputi at gwapong gwapo sinasabing ito ay ibang iba sa kanyang mga kapatid. Kaya naman pinag uusapan ng mga kapait bahay isa na si Pisyang Tahur na nagsasabing iba-iba daw ang ama ng anak ni Pingkaw ngunit di nalang ito pinapansin ni Pingkaw. Isang umaga namimilipit sa sakit ng tiyan ang kanyang tatlong anak dahil sa pagkain ng panis na sardinas. Nangatal sa takot si Pinkaw agad niyang isinakay sa kanyang kariton ang kanyang tatlong anak humingi siya ng tulong sa kakilala niyang doctor ngunit wala ito. Kung kanikanino pa siya humingi ng tulong pero ni isa ay walang tumulong sa kanya. Nakita nalang niya na binawiaan ng buhay ang kanyang isang anak habang nakasakay sa kariton, nang makarating sila sa pampublikong pagamutan ay hindi inunang gamutin ang kaniyang anak, bagkus inuna pa ang mga mayayamang wala naming malubhang karamdaman. Nang sumunod na araw habang nasa pagamutan binawian ng buhay ang isa pa niyang anak. Di rin nag tagal ay namatay din ang isa pa. Hindi kinaya ni Pinkaw ang mga nangyari sa kanya kaya siya ay nawala sa katinuan.makikita mo nalang si Pinkaw na pagala gala sa kalsada at tinutukso ng ilang kabataan at pinagtatawanan ng ilang mga taong walang habag sa may mga ganitong kalagayan.

Englisch

si pinkaw

Letzte Aktualisierung: 2020-01-15
Nutzungshäufigkeit: 1
Qualität:

Referenz: Anonym

Tagalog

ALAMAT NG LEYTE (Ginawa ni jeffrey dalumpines) Noong unang panahon may isang lugar na hindi pa natatagpuan ng mga tao noon. Pero isang araw may batang napadpad sa lugar na iyon .Hindi din sinasadya may dalagang napadpad din roon. Nakita niya ang bata , kinuha niya ito at inilagaan . Lumipas ang panahon lumaki ng maganda ang bata . Pinangalanan ng dalaga ang bata ng liyti dahil nakita lang niya ito sa baybayin ng dagat. Isang umaga gumawa ng bracelet ang ina ni liyti at bibigay kay liyti. Pero hindi nag tagal ang saya nila biglang dumilim amg langit at kumidlat ng malakas ,umihip ang napakalakas na hangin at tinangay ang mag ina Dumaan ang taon may manglalakbay ang nakatagpo sa lugar nakita ng manglalakbay ang bracelet ni liyti dahil doon sinununud ng mga dayuhan ang pangalan ni liyti sa lugar . dumaan ang maraming siglo napalitan na ito ng pangalan at ito ngayon ang leyte

Englisch

ang alamat ng leyte

Letzte Aktualisierung: 2019-06-28
Nutzungshäufigkeit: 2
Qualität:

Referenz: Anonym

Tagalog

nemo ang batang papel rene villanueva(tagalog) Si Nemo ay isang batang yari sa ginupit na diyaryo. Pinunit-punit, ginupit-gupit saka pinagdikit-dikit, si Nemo ay ginawa ng mga bata para sa isang proyekto nila sa klase. Ngayo’y bakasyon na. Si Nemo’y naiwang kasama ng ibang papel sa silid. Nakatambak siya sa bunton ng mga maalikabok na polder at enbelop. Isang araw, isang mapaglarong hangin ang nanunuksong umihip sa silid. Inilipad niya sa labas si Nemo. Nagpalutang-lutang sa hangin si Nemo. Naroong tumaas siya; naroong bumaba. Muntik na siyang sumabit sa mga sanga ng aratiles. Nang mapadpad siya sa tabi ng daan, muntik na siyang mahagip ng humahagibis na sasakyan. Inangilan siya ng dyip. Binulyawan ng kotse. At sininghalan ng bus. Mabuti na lamang at napakagaan ni Nemo. Nagpatawing-tawing siya sa hangin bago tuluyang lumapag sa gitna ng panot na damo sa palaruan. Nakahinga nang maluwag si Nemo. Ngunit nagulantang siya sa dami ng nagtatakbuhang paa na muntik nang makayapak sa kaniya. Naghahabulan ang mga bata at kay sasaya nila! Araw-araw, tuwing hapon, pinanonood ni Nemo ang mga naglalarong bata. Inggit na inggit siya sa kanila. Tuwing makikita niya ang mga bata sa palaruan, gustong-gusto rin niyang maging isang tunay na bata. “Gusto kong tumawa tulad ng totoong bata! Gusto kong tumakbo tulad ng totoong bata! Gusto kong maghagis ng bola tulad ng totoong bata!” Sabi nila, kapag may hiniling ka raw na gusto mong matupad, kailangang sabihin mo ito sa pinakamalayong bituin sa langit. Kaya isang gabi, matiyagang nagbantay sa langit si Nemo. Hinintay niya ang paglabas ng pinakamalayong bituin. At nang makita niya ito, sinabi niya ang kaniyang hiling. “Bituin, bituin, tuparin ngayon din Ako’y gawing isang batang masayahin!” Pumikit nang mariin na mariin si Nemo. Naramdaman niyang parang umiikot ang paligid at nagkakagulo ang mga busina ng sasakyan. Totoong bata na si Nemo! Pagdilat niya’y kasama na niya ang kaniyang totoong Tatay na walang trabaho, at totoong Nanay na payat na payat, at walong totoong kapatid na ang ingay-ingay sa isang masikip, makipot, at tagpi-tagpi pero totoong bahay. “’Wag kayong tatamad-tamad,” sigaw ng kaniyang totoong tatay. “Magtrabaho kayo!” Kaya napilitang tumakbo si Nemo palabas ng bahay. Palakad-lakad si Nemo sa kalye. Hindi niya pansin ang mga humahagibis na bus. Hindi niya pansin ang mga humahagibis na dyip. Isip siya nang isip kung paano makakatulong sa kaniyang totoong pamilya. Kahit bata pa, napilitang maghanapbuhay si Nemo. Sa umaga’y nagtinda siya ng sampagita at humahabol-habol sa mga kotse. Pagod na pagod si Nemo araw-araw. Pakiramdam niya, pabilis nang pabilis ang kaniyang pagtanda. Kaya naisipan niyang pumasok sa eskuwela. Sumilip siyang muli sa paaralang pinanggalingan niya. Pero dahil marumi ang kaniyang suot at wala siyang sapatos, inirapan lang si Nemo ng libro. “Hindi ka bagay dito!” sabi ng libro. “Ang baho-baho mo!” Nagalit din sa kaniya ang mesa. “Ang dumi-dumi mo!” sinigawan din siya ng pisara. “Alis diyan!” Kaya napilitang tumakbo si Nemo. Nagtatakbo siya nang nagtatakbo hanggang sa gilid ng dagat. Sinabi ni Nemo ang problema niya sa dagat pero naghikab lang ito. At kahit ang alon na puno ng layak ay nagtakip ng ilong nang maamoy siya. “’Wag mo nang dagdagan ang basura dito!” sigaw nito kay Nemo. Malungkot na naglakad-lakad si Nemo. At sa maraming kalye ng marusing na lungsod, sa bawat sulok ay may nakita siyang mga batang-kalye. May nagbebenta ng sampagita. May nagtitinda ng sigarilyo at diyaryo habang maliksing sumasabit-sabit sa mga sasakyan. May mga kalbo, galisin, at palaboy na yakap-yakap ang supot na plastik na kapag sinisinghot nila ay parang nagguguhit sa kanilang mukha ng mangmang na ngiti. May mga batang butuhan ang binti at malamlam ang mata na akay-akay ng matatatandang puti na parang kislap ng balisong ang kislap ng mata. “Kay dami-dami palang batang kalye,” naisip ni Nemo. Kung gabi, kung halos hindi umihip ang mapanuksong hangin, ang mga batang kalye ay nagtitipon-tipon sa parke na may monumento ng bayaning may kipkip na libro. Tumatakbo sila. Naglulundagan. Nagbibiruan. Naghahagikgikan. Pero napansin ni Nemo na walang taginting ang kanilang halakhak. Parang pumanaw na ang kislap sa sulok ng kanilang mata. Sumama si Nemo sa iba pang batang lansangan. Nagtipon-tipon sila sa isang bahagi ng parke. At sa dilim ng gabi, nagsimula silang maglaro at magkantahan. Nalaman ni Nemo na marami palang batang tulad niya. Mga batang lansangan, mga batang kailangang maghanapbuhay dahil sa kahirapan. Tinipon ni Nemo ang iba pang batang lansangan. Nang magkuwentuhan sila, nalaman nilang pare-pareho pala ang kanilang gusto: mapagmahal na magulang, maayos na tahanan, masayang paaralan, at sapat na pagkain. Ipinagtapat ni Nemo ang lihim na kaniyang natuklasan. Matutupad ang anumang pangarap kapag hiniling sa pinakamalayong bituin. Sabay-sabay silang tumingala sa pinakamalayong bituin sa langit at hiniling nila ang lahat ng ito. “Bituin, bituin, tuparin ngayon din Lahat kami’y gawing batang masayahin.” Sa isang iglap, lahat sila ay naging batang papel. Inilipad sila ng hangin. Kay gaan-gaan ng kanilang pakiramdam. Kay saya-saya nila dahil malayo na sila sa magulong pamilya, malupit na eskuwela, at maingay na kalsada. Nagtaka ang mga taong nakakita sa palutang-lutang na mga batang papel. Marami ang naawa sa kanila. Pero ang hindi nila alam, mas maligaya na ngayon ang mga batang papel, gaya ni Nemo, kaysa mga totoong bata na kailangang makibaka at mabuhay sa malupit na kalsada. Mula sa: Ang Gintong Habihan: Mga Kuwentong Premyado ng Palanca. (1998). Maynila: Tahanan Books for Young Readers

Englisch

Nemo the little paper rene villanueva (Tagalog)

Letzte Aktualisierung: 2015-02-16
Nutzungshäufigkeit: 1
Qualität:

Referenz: Anonym

Einige menschliche Übersetzungen mit geringer Relevanz wurden ausgeblendet.
Ergebnisse mit niedriger Relevanz anzeigen.

Eine bessere Übersetzung mit
4,401,923,520 menschlichen Beiträgen

Benutzer bitten jetzt um Hilfe:



Wir verwenden Cookies zur Verbesserung Ihrer Erfahrung. Wenn Sie den Besuch dieser Website fortsetzen, erklären Sie sich mit der Verwendung von Cookies einverstanden. Erfahren Sie mehr. OK