Ask Google

Results for dahil sa kanila lang umiikot ang ... translation from Tagalog to English

Human contributions

From professional translators, enterprises, web pages and freely available translation repositories.

Add a translation

Tagalog

English

Info

Tagalog

kung hindi dahil sa kanila wala ka dito

English

if not because of them you do not have it here

Last Update: 2018-09-02
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous

Tagalog

Ako man, ang anak ko'y nawala dahil sa kanila.

English

As for me... my daughter was killed by them.

Last Update: 2016-10-27
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous

Tagalog

salamat sa aking pamilya wala ako dito ngayon kung hindi dahil sa kanila

English

if not for them

Last Update: 2016-11-07
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous

Tagalog

Pakete ay inalis dahil sa hindi tugmang dependencies Ang mga pakete na ito ay inalis dahil isa o marami sa kanyang dependencies ay hindi na available, o dahil ibang pakete ay conflicts sa kanila.

English

Packages being deleted due to unsatisfied dependencies These packages are being deleted because one or more of their dependencies is no longer available, or because another package conflicts with them.

Last Update: 2014-08-15
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous

Tagalog

Ang sumusunod na mga pakete ay nakaayos na bitin, maaaring dahil sa mga problema sa pagsasaayos sa kanila ng unang pagkakataaon. Ang pagsasaayos ay dapat subukan muli gamit ang dpkg --configure o sa opsyon ng pagsasaayos sa menu ng dselect:

English

The following packages are only half configured, probably due to problems configuring them the first time. The configuration should be retried using dpkg --configure or the configure menu option in dselect:

Last Update: 2014-08-15
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous
Warning: Contains invisible HTML formatting

Tagalog

Ang sumusunod na mga pakete ay nagkagulo dahil sa mabigat na problema habang niluluklok ang mga ito. Kinakailangan mailuklok-muli ang mga ito upang sila (at alinmang pakete ang may dependensiya sa kanila) ay umandar ng tama:

English

The following packages are in a mess due to serious problems during installation. They must be reinstalled for them (and any packages that depend on them) to function properly:

Last Update: 2014-08-15
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous

Tagalog

Maaaring Lumipad ang Tao Naisalaysay ni Virginia Hamilton Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Sinasabing iniingatan ng mga taong nakalilipad ang kanilang kapangyarihan kahit na inaalis nila ang kanilang pakpak.Inililihim nila ang kanilang kapangyarihan sa lupain ng mga alipin. Sila ay nagbalatkayong mga tao mula sa Africa na may maiitim na balat. Hindi na nila maaaring ipaalam sa kanila kung sino ang nakalilipad at ang hindi. May matandang lalaki na nagngangalang Toby, mataas ang kaniyang tindig. Samantalang ang batang babae na dating may pakpak ay si Sarah. Makikitang may batang nakatali sa kaniyang likod. Nanginginig siya kung mabigat ang mga gawain. Sa ganitong pangyayari sisigawan siya ng tagapagbantay ng lupain. Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Tinatawag nilang panginoon ang may ari nito. Inihalintulad raw siya sa kumpol ng putik, uling na kumikinang sa matigas na batong nakasalansan na hindi matanggal. Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping mabagal magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain upang maging mabilis ang kanilang paggawa . Si Sarah ay naghuhukay at nag aayos ng pilapil sa palayan, habang ang bata ay tulog sa kaniyang likod. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang malakas. Hindi niya ito mapatigil, ibinaba niya ito at hinayaang umiyak nang umiyak maski ayaw niya itong gawin dahil anak niya ang bata. “Patahimikin mo iyan,” sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata. Hinawakan niya sa balikat si Sarah hanggang sa mapaluhod ito. Hinampas niya ang bata ng latigo. Samantala, si Sarah ay bumagsak naman sa lupa. Ang matandang naroroon na si Toby ang tumulong kina Sarah. “Aalis ako nang mabilis,” sabi niya pagdaka. Hindi makatayo nang tuwid si Sarah. Napakahina niya, nasusunog na ng araw ang kaniyang mukha. Ang bata ay umiiyak nang umiiyak. “Kaawaan mo kami, kaawaan mo kami.” Malungkot si Sarah dahil sa nangyari, naghihimutok siya at napaupo na lamang sa pilapil. “Tumayo ka, ikaw, maitim na baka” hiyaw ng tagapagbantay, itinuro si Sarah at muli na namang hinampas ng latigo sa hita at ang sako niyang damit ay naging basahan. Ang dugo sa kaniyang sugat ay humalo sa putik, di siya makatayo. Nandoon si Toby, ngunit kahit isa ay walang makatulong sa kaniya. “Ngayon na, bago pa mahuli ang lahat.” “Sige anak, ngayon na ang panahon,” sagot ni Toby “Humayo ka, kung alam mo kung paano ka makaaalis.”

English

QUERY LENGTH LIMIT EXCEDEED. MAX ALLOWED QUERY : 500 CHARS

Last Update: 2019-01-08
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous

Tagalog

Ang basketbol ay isang larong pampalakasan na binubuo ng dalawang koponan ng limang manlalaro bawat isa. Layunin ng laro na maihulog ang bola sa net na may sukat na 18 inches (46 cm) diyametro at may taas na 10 feet (3.0 m) na nakasabit sa backboardsa bawat dulo. Isa ang basketbol sa pinakatanyag at pinapanood na laro sa daigdig.[1] Ang isang koponan ay makakapuntos ng isang field goal sa paghulog ng bola sa basket habang naglalaro. Ang field goal ay may dalawang puntos para sa koponang nakahulog ng bola kung ang manlalaro ay nasa o malapit sa basket kaysa sa linya ng tatlong puntos, at ang tatlong puntos (higit na kilala bilang 3 pointer) kung ang manlalaro ay makapuntos sa labas ng linyang ito. Ang koponang may pinakamaraming puntos sa pagtatapos ng laro ay mananalo, subalit maaaring magdagdag ng oras (overtime) kung naging tabla ang puntos. Maaaring isulong ang bola sa loob ng kort sa pamamagitan ng pagtalbog nito habang naglalakad, tumatakbo o sa pagpasa sa kakoponan. Simula naimbento ang laro sa Springfield, Massachusetts sa Estados Unidos noong 1891, sumulong ito bilang isang tunay na pandaigdigang palakasan. Nagsimula ang mga organisadong paliga sa YMCA; nabuo ang mga naunang liga sa mga kolehiyo. Sa kalaunan, naging palakasang propesyunal ang basketbol. Kahit na isang pampalakasang Amerikano sa una, mabilis na kumalat sa mundo at makikita ang mga kilalang manlalaro at koponan sa ngayon sa buong mundo. 1 KASAYSAYAN NG BASKETBALLTaong 1891, buwan ng Disyembre nang likhain ni Dr. James Naismith ang isa sa mga pinakapopular na laro sa buong mundo ngayon - ang BASKETBOL. Isa siyang guro sa EstadosUnidos (Springfield, Massachusetts) na naatasan lamang ng kanyang Punong Guro na gumawang isang larong maaring ganapin tuwing tag-lamig. Matapos mag-isip, kumuha siya ng dalawang basket, idinikit ang mga ito ng may kataasan sa loob ng YMCA dyim, at itinapon ang isang bolasa loob ng basket. Ang itinapon niyang bola ang naging unang tira sa isang laro na huhuli sainteres ng buong mundo sa pagdaan ng panahon. Ang Pilipinas ang isa sa mga bansang unangnaimpluwensiyahan ng basketbol sa mundo. Dumating ito sa ating bansa noong maagang bahaging 1900s. Dahil dito, hindi nag-atubiling sumali ang ating bansa noong una itong laruin sa 1904Olympics sa Berlin. Bagamat may kaliitan ang mga Pilipinong manlalarong naipadala kumparasa mga Europeo, natalo nila ang apat na bansa (Mexico, Eutania, Poland at Italy). Natalo lamangsila ng Estados Unidos na tuluyang naghari sa larong ito hanggang 1968. Mula noon, lubusan ngsumikat ang larong ito sa ating bansa. Dahil sa labis na pananabik sa larong ito, naitatag angilang organisasyon sa ating bansa (MICCA, NCAA, UAAP, at PIBA), ngunit maituturing na isalamang ang tunay na humugis ng basketbol sa ating bansa --- ang PBA o ang PhilippineBasketball Association. Dito lumabas ang ilang mabibigat na kompanya bilang pangalan ng mgakoponan. Crispa, Pop Cola, San Miguel at Purefoods ang ilan lamang sa mga halimbawa.Patuloy na tinatangkilik ng masa ang bawat laro ng PBA lalo na't pinapalabas ito sa telebisyon omaaring pakinggan sa radyo. Sa pamamagitan rin ng basketbol umusbong ang mga career ngmga tanyag na manlalaro tulad nina Lauro "The Fox" Mumar at Sonny "The Living Legend"Jaworski. 2 Ilan sa atin ang pinapayagan ng ating mga magulang na makipaglaro sa labas ng ating tahanan noong tayo ay mga bata pa? Maaaring kung sa probinsiya tayo lumaki at malawak ang ating mga ginagalawan, marahil ay natural lamang na tayo ay pinapayagan. Subalit kung tayo naman ay nagsipaglaki sa siyudad, maraming bagay ang ipinag-aalala ng ating mga magulang kaya’t hindi tayo pinapabayaan makipaglaro sa labas ng ating tahanan. Isa sa mga dahilan ay ang kanilang pag-aalala na baka tayo ay ma-impluwensyahan ng mga elemento na makakasama sa ating buhay. Habang tayo ay lumalaki ay mabilis namang nawawala ang mga lugar na mapaglalaruan ng mga kabataan sa mga siyudad dahil na rin sa kakulangan ng kaalaman ng marami sa ating mga namumuno na gawan ng kaayusan ang ating kapaligiran. Dahil na rin sa mga maling pananaw, naging dahilan ito na mabago ang proseso ng paglaki ng marami sa ating mga kabataan. Nawala ang mga laro na ating kinagisnan tulad ng patintero, tumbang preso at piko. Napalitan ang lahat ng ito nang magsulputan ang mga video games na nilalaro kahit na mag-isa habang nakaupo o nakahiga pa kung minsan sa loob ng bahay. Dahil sa mga makabagong larong tulad nito, maraming karanasan ang nawawala sa ating mga kabataan habang sila ay lumalaki. Isa na rito ang pakikihalubilo sa kapwa. Sa pakikipaglaro natin sa labas ng ating bahay ay natututuhan natin ang iba’t ibang ugali na mayroon ang mga tao. Mayroon sa kanila ang madaling maging kaibigan, mga batang matulungin, mga batang hindi nagsasawang magturo sa atin ng maraming bagay na hindi pa natin alam. Mayroon din namang mga kalarong ayaw tumanggap ng pagkatalo kahit na sila ay mandaya pa ay ipinipilit pa rin na sila ang tama. Sa mura pa lamang nating edad ay nagkakaroon na tayo ng pagkakataon na maranasan ang iba’t ibang ugali ng tao na maaari nating makasalamuha sa ating paglaki. 3 Dito sa Japan, dahil sa halos subsob sa paghahanap-buhay ang mga magulang, ang mga paaralan ay mayroong sistema na binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makisali sa iba’t ibang uri ng sports. Maaaring pumili ang isang bata ng gusto niyang salihang laro at maaaring sumali sa isang sports club kahit na siya ay wala pang kaalaman tungkol dito. Tutulungan siya ng club na matutuhan ang lahat ng kaalaman upang siya ay humusay sa napili niyang laro. Kasabay nito ay mararanasan din niya ang makipagkaibigan at makipag-ugnayan sa iba niyang mga kalaro. Ang mga karanasang ganito ay tutulong sa isang mag-aaral na matutuhan ang iba’t ibang paraan ng pakikisama at pakikipagkapwa kahit na wala sa tabi ang mga magulang nito. Mula sa mga sports club na tulad nito ay maraming magagaling na manlalaro ang napipili upang maglaro sa malalaking koponan. Tulad nang napapanood natin sa Olympics, kilala sa buong mundo ang mga manlalaro mula Japan. Marami na sa kanila ang naglalaro ng baseball sa Major Leagues pati na rin sa mga sikat na soccer teams. Marami sa ating mga manlalaro ang hirap maipakita ang kanilang mga kakayahan at husay sa larangan ng palakasan dahil sa kulang o halos walang suporta mula sa ating pamahalaan. Maaaring mayroong nagsasabi na ang sports ay walang maitutulong para sa kaunlaran ng bayan. Ngunit napapagkaisa nito ang mga mamamayan saan man sulok ng mundo lalo na’t may mga nagwawagi tayong mga atleta tulad ni Manny Pacquiao. Ang ating pagkakaisa ang kinakailangan upang tunay na maiayos ang ating pamumuhay lalo pa at patuloy na lumolobo ang ating papulasyon. Kung magkakaroon lamang ng sapat na lugar ng palaruan para sa 4 mga kabataan sa ating mga bayan, maaaring magkaroon ng ibang pagtutuunan ng pansin ang ating mga kabataan upang mapalayo sila sa masasamang bisyo tulad ng droga. Huwag naman sanang mga basketball court lamang ang ipinatatayo ng mga nanunungkulan. Magkaroon din sana ng mga tennis, badminton, volleyball courts, baseball at soccer fields na libre para sa kanilang mga nasasakupan. Hindi lamang sana mga kalalakihan lamang ang makapaglalaro kung hindi pati na rin ang mga kababaihan. Kailangan din ang mga parke na maaaring pasyalan ng mga magkakapitbahay na mayroon ding lugar na mapaglalaruan ng maliliit pang mga kabataan. Kasama ang kanilang mga magulang, pagkakataon na rin na magkakilala ang magkakapitbahay. Makatutulong din kung magkakaroon ng mga programa sa radyo at telebisyon na nagbibigay kaalaman tungkol sa iba’t ibang uri ng mga sports. Suporta mula sa ating pamahalaan upang mailapit ang ating mga kababayan sa kahalagahan ng sports sa lipunan. Ikinagulat ng buong mundo na mula sa isang bansa na wala namang snow ay nagkaroon ang Pilipinas ng isang figure skater sa kakatapos pa lamang na Winter Olympics sa Sochi, Russia. Mas lalo pang bumuhos ang simpatya ng marami ng malaman na walang tulong na ibinigay ang ating pamahalaan para sa manlalarong ito. Dahil dito ay marami ang gumawa ng paraan upang makalikom ng tulong para maipagpatuloy ni Michael Christian Martinez ang kanyang pangarap na makapagbigay ng karangalan para sa Pilipinas. Bagamat pang-labing siyam na pwesto lamang ang kanyang naabot, para sa bawat Pilipino, si Michael ay isang

English

pagbuod and sentences

Last Update: 2017-03-12
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous
Warning: Contains invisible HTML formatting

Tagalog

Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang na makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang kanyang asawa. Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila pero dahil sa kawalan ng pera hindi na ito napabalik sa kanila kaya nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na sya na lang ang magsaka sa kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka si Tata Selo kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil may iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi sya pinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano na syang ikinamatay nito. Kaya nakulong si Tata Selo. Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo. Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa. Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito, dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang lahat"

English

tata selo

Last Update: 2015-10-20
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous
Warning: Contains invisible HTML formatting

Tagalog

nemo ang batang papel rene villanueva(tagalog) Si Nemo ay isang batang yari sa ginupit na diyaryo. Pinunit-punit, ginupit-gupit saka pinagdikit-dikit, si Nemo ay ginawa ng mga bata para sa isang proyekto nila sa klase. Ngayo’y bakasyon na. Si Nemo’y naiwang kasama ng ibang papel sa silid. Nakatambak siya sa bunton ng mga maalikabok na polder at enbelop. Isang araw, isang mapaglarong hangin ang nanunuksong umihip sa silid. Inilipad niya sa labas si Nemo. Nagpalutang-lutang sa hangin si Nemo. Naroong tumaas siya; naroong bumaba. Muntik na siyang sumabit sa mga sanga ng aratiles. Nang mapadpad siya sa tabi ng daan, muntik na siyang mahagip ng humahagibis na sasakyan. Inangilan siya ng dyip. Binulyawan ng kotse. At sininghalan ng bus. Mabuti na lamang at napakagaan ni Nemo. Nagpatawing-tawing siya sa hangin bago tuluyang lumapag sa gitna ng panot na damo sa palaruan. Nakahinga nang maluwag si Nemo. Ngunit nagulantang siya sa dami ng nagtatakbuhang paa na muntik nang makayapak sa kaniya. Naghahabulan ang mga bata at kay sasaya nila! Araw-araw, tuwing hapon, pinanonood ni Nemo ang mga naglalarong bata. Inggit na inggit siya sa kanila. Tuwing makikita niya ang mga bata sa palaruan, gustong-gusto rin niyang maging isang tunay na bata. “Gusto kong tumawa tulad ng totoong bata! Gusto kong tumakbo tulad ng totoong bata! Gusto kong maghagis ng bola tulad ng totoong bata!” Sabi nila, kapag may hiniling ka raw na gusto mong matupad, kailangang sabihin mo ito sa pinakamalayong bituin sa langit. Kaya isang gabi, matiyagang nagbantay sa langit si Nemo. Hinintay niya ang paglabas ng pinakamalayong bituin. At nang makita niya ito, sinabi niya ang kaniyang hiling. “Bituin, bituin, tuparin ngayon din Ako’y gawing isang batang masayahin!” Pumikit nang mariin na mariin si Nemo. Naramdaman niyang parang umiikot ang paligid at nagkakagulo ang mga busina ng sasakyan. Totoong bata na si Nemo! Pagdilat niya’y kasama na niya ang kaniyang totoong Tatay na walang trabaho, at totoong Nanay na payat na payat, at walong totoong kapatid na ang ingay-ingay sa isang masikip, makipot, at tagpi-tagpi pero totoong bahay. “’Wag kayong tatamad-tamad,” sigaw ng kaniyang totoong tatay. “Magtrabaho kayo!” Kaya napilitang tumakbo si Nemo palabas ng bahay. Palakad-lakad si Nemo sa kalye. Hindi niya pansin ang mga humahagibis na bus. Hindi niya pansin ang mga humahagibis na dyip. Isip siya nang isip kung paano makakatulong sa kaniyang totoong pamilya. Kahit bata pa, napilitang maghanapbuhay si Nemo. Sa umaga’y nagtinda siya ng sampagita at humahabol-habol sa mga kotse. Pagod na pagod si Nemo araw-araw. Pakiramdam niya, pabilis nang pabilis ang kaniyang pagtanda. Kaya naisipan niyang pumasok sa eskuwela. Sumilip siyang muli sa paaralang pinanggalingan niya. Pero dahil marumi ang kaniyang suot at wala siyang sapatos, inirapan lang si Nemo ng libro. “Hindi ka bagay dito!” sabi ng libro. “Ang baho-baho mo!” Nagalit din sa kaniya ang mesa. “Ang dumi-dumi mo!” sinigawan din siya ng pisara. “Alis diyan!” Kaya napilitang tumakbo si Nemo. Nagtatakbo siya nang nagtatakbo hanggang sa gilid ng dagat. Sinabi ni Nemo ang problema niya sa dagat pero naghikab lang ito. At kahit ang alon na puno ng layak ay nagtakip ng ilong nang maamoy siya. “’Wag mo nang dagdagan ang basura dito!” sigaw nito kay Nemo. Malungkot na naglakad-lakad si Nemo. At sa maraming kalye ng marusing na lungsod, sa bawat sulok ay may nakita siyang mga batang-kalye. May nagbebenta ng sampagita. May nagtitinda ng sigarilyo at diyaryo habang maliksing sumasabit-sabit sa mga sasakyan. May mga kalbo, galisin, at palaboy na yakap-yakap ang supot na plastik na kapag sinisinghot nila ay parang nagguguhit sa kanilang mukha ng mangmang na ngiti. May mga batang butuhan ang binti at malamlam ang mata na akay-akay ng matatatandang puti na parang kislap ng balisong ang kislap ng mata. “Kay dami-dami palang batang kalye,” naisip ni Nemo. Kung gabi, kung halos hindi umihip ang mapanuksong hangin, ang mga batang kalye ay nagtitipon-tipon sa parke na may monumento ng bayaning may kipkip na libro. Tumatakbo sila. Naglulundagan. Nagbibiruan. Naghahagikgikan. Pero napansin ni Nemo na walang taginting ang kanilang halakhak. Parang pumanaw na ang kislap sa sulok ng kanilang mata. Sumama si Nemo sa iba pang batang lansangan. Nagtipon-tipon sila sa isang bahagi ng parke. At sa dilim ng gabi, nagsimula silang maglaro at magkantahan. Nalaman ni Nemo na marami palang batang tulad niya. Mga batang lansangan, mga batang kailangang maghanapbuhay dahil sa kahirapan. Tinipon ni Nemo ang iba pang batang lansangan. Nang magkuwentuhan sila, nalaman nilang pare-pareho pala ang kanilang gusto: mapagmahal na magulang, maayos na tahanan, masayang paaralan, at sapat na pagkain. Ipinagtapat ni Nemo ang lihim na kaniyang natuklasan. Matutupad ang anumang pangarap kapag hiniling sa pinakamalayong bituin. Sabay-sabay silang tumingala sa pinakamalayong bituin sa langit at hiniling nila ang lahat ng ito. “Bituin, bituin, tuparin ngayon din Lahat kami’y gawing batang masayahin.” Sa isang iglap, lahat sila ay naging batang papel. Inilipad sila ng hangin. Kay gaan-gaan ng kanilang pakiramdam. Kay saya-saya nila dahil malayo na sila sa magulong pamilya, malupit na eskuwela, at maingay na kalsada. Nagtaka ang mga taong nakakita sa palutang-lutang na mga batang papel. Marami ang naawa sa kanila. Pero ang hindi nila alam, mas maligaya na ngayon ang mga batang papel, gaya ni Nemo, kaysa mga totoong bata na kailangang makibaka at mabuhay sa malupit na kalsada. Mula sa: Ang Gintong Habihan: Mga Kuwentong Premyado ng Palanca. (1998). Maynila: Tahanan Books for Young Readers

English

Nemo the little paper rene villanueva (Tagalog)

Last Update: 2015-02-16
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous

Tagalog

At tinawag ng hari ang mga Gabaonita at sinabi sa kanila; (ang mga Gabaonita nga ay hindi sa mga anak ni Israel, kundi sa nalabi sa mga Amorrheo; at ang mga anak ni Israel ay nagsisumpa sa kanila: at pinagsikapan ni Saul na patayin sa kaniyang sikap dahil sa mga anak ni Israel at Juda:)

English

And the king called the Gibeonites, and said unto them; (now the Gibeonites were not of the children of Israel, but of the remnant of the Amorites; and the children of Israel had sworn unto them: and Saul sought to slay them in his zeal to the children of Israel and Judah.)

Last Update: 2014-11-03
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous

Get a better translation with
4,401,923,520 human contributions

Users are now asking for help:



We use cookies to enhance your experience. By continuing to visit this site you agree to our use of cookies. Learn more. OK