Ask Google

Results for wag mo isipin ang mga sinabi ko translation from Tagalog to English

Human contributions

From professional translators, enterprises, web pages and freely available translation repositories.

Add a translation

Tagalog

English

Info

Tagalog

Hindi maganda ang mga sinabi mo.

English

Your remarks were rather out of place.

Last Update: 2014-02-01
Usage Frequency: 1
Quality:

Tagalog

binabawi ko na mga sinabi ko na hindi mabuti

English

I recovered I said

Last Update: 2017-03-04
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous

Tagalog

Isipin ang isang karanasan kapag ang mga inaasahan ng mga mahal sa buhay tulad ng pamilya o ng lipunan ay hindi natutugunan

English

Think of an experience when expectations of loved ones like family or of society are not met

Last Update: 2017-09-20
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous

Tagalog

Ang pormal na yugto ng pagpapatakbo ay nagsisimula sa edad na 11 at nagpapatuloy hanggang sa adulthood sa maagang bahagi ng yugtong ito ang mga bata ay nagpapaunlad ng mga pang-adultong paraan ng pag-iisip na may lohikal na abstract na pag-iisip na bubuo at nagsisimula silang gumamit ng mga pormal na panuntunan ng pag-iisip upang bigyang-katwiran ang kanilang mga sagot sa maikling pagsisimula nila sa pangkalahatan sa yugtong ito sila ngayon ay maaaring isipin ang mga posibilidad pati na rin ang makaya sa umiiral na kababalaghan ang kanilang pag-iisip na proseso ay mas nababaluktot.

English

Formal operational stage begins at age 11 and continues up to adulthood during the early of this stage children develop adult ways of thinking logically abstract thinking develops and they begin to use formal rules of thinking to justify their answers in short they begin to generalize at this stage they now can imagine possibilities as well as cope with existing phenomenon their thought process are now more flexible.

Last Update: 2018-07-05
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous

Tagalog

Cris, Una palang hindi na ako naniniwala sa mga hula ganun pa man nagpapasalamat ako sa pagtugon mo sa aking simpleng mensahe.Sa pagkakaintindi ko sa pagtugon mo sa akin ay isang malaking hamon para aking personalidad natatakot ako dahil ayoko malaman kung ano ba ang dapat kong paghandaan sa aking nakalatag na kapalaran. Mag bibigay ako ng donasyon ang problema nga lang ay wala naman akong credit card para maibigay ko saiyo ang donasyon ko. cris nagpapasalamat ako saiyo dahil nararamdaman ko na mula sa puso mo ang iyong pagtulong nagpapasalamat ako dahil nandyan ka para magsabi kung ano ang dapat kong gawin lahat ng mga sinabi mo tungkol sa aking buhay ay totoo.Gusto ko umiyak habang binabasa ko ang mensahe mo sa akin hindi ako masaya cris dahil hindi ko maramdaman ang tamang pagpapatawad sa mga taong nakasakit at nangloko sa akin,at sa pakikisalamuha ko sa mga tao isa lang naobserbahan ko pera ang ang importante sa kanila.nilalabanan ko ang ano mang kalungkutan at sakit na nararamdaman dulot ng mga karanasan na mismong ako naman ang gumusto pero yung ibang pangyayari di ko naman din inaasahan na mararanasan ko.cris maraming salamat saiyo masama o mabuti ang hinaharap ko tatanggapin ko iyun kakayanin ko kahit ang pagkamatay ko pa ang nakikita mo gusto ko parin malaman mo na sobrang takot ko pero wala naman makakapigil kapag oras na singilin tayo ng Panginoon.Hiram lang naman natin ang ating buhay diba?kung pagyaman ko naman ang nakikita mo mas ok iyon mabibigyan ko ng tulong ang mga mahihirap dito sa amin mga anak ko mabibigyan ko ng magandang kinabukasan.sana cris maging totoo ka sa pag basa mo ng kapalaran ko sabihin mo sakin para mapaghandaan ko kung ano ang pwede ko gawin para kontrahin ang masasamang pwedeng mangyari.cris ibibigay ko saiyo kung ano man ang gustuhin mo kung yayaman ako at kahit ganito ang kalagayan ko sa buhay nagyon bibigyan parin kita ng donasyon.hanggang dito nalang maraming salamat sa pakikinig mo sa akin at maraming salamat din at nakatulog ako sa pinadala mo na talisma nakopya ko iyon at aking inilagay sa ilalim ng aking unan.nararamdaman ko cris na ako ay pinatulog mo upang makapahinga ang aking pag iisip.maraming maraming salamat saiyo buong puso po ako na makikinig sa lahat ng iyong sasabihin.sana wala ka sawang tumulong sa mga nangangailangan.cris gusto ko itanong kung ung kalansay na tao sa tarot card ay ang kamatayan ko.?sa loob ba ng anim na buwan mawawala na ako s mundong ito katapusan ko na ba?kaya mo ba nasabi na kakaiba ang pagbasa mo sa hinaharap ko na mas kailangan ko ng tulong dahil ganun ba ang mangyayari?cris natatakot ako tulungan mo ako.hanggang dito nalang maraming slamat saiyo. Gumagalang, Analiza

English

QUERY LENGTH LIMIT EXCEDEED. MAX ALLOWED QUERY : 500 CHARS

Last Update: 2015-07-26
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous

Tagalog

nemo ang batang papel rene villanueva(tagalog) Si Nemo ay isang batang yari sa ginupit na diyaryo. Pinunit-punit, ginupit-gupit saka pinagdikit-dikit, si Nemo ay ginawa ng mga bata para sa isang proyekto nila sa klase. Ngayo’y bakasyon na. Si Nemo’y naiwang kasama ng ibang papel sa silid. Nakatambak siya sa bunton ng mga maalikabok na polder at enbelop. Isang araw, isang mapaglarong hangin ang nanunuksong umihip sa silid. Inilipad niya sa labas si Nemo. Nagpalutang-lutang sa hangin si Nemo. Naroong tumaas siya; naroong bumaba. Muntik na siyang sumabit sa mga sanga ng aratiles. Nang mapadpad siya sa tabi ng daan, muntik na siyang mahagip ng humahagibis na sasakyan. Inangilan siya ng dyip. Binulyawan ng kotse. At sininghalan ng bus. Mabuti na lamang at napakagaan ni Nemo. Nagpatawing-tawing siya sa hangin bago tuluyang lumapag sa gitna ng panot na damo sa palaruan. Nakahinga nang maluwag si Nemo. Ngunit nagulantang siya sa dami ng nagtatakbuhang paa na muntik nang makayapak sa kaniya. Naghahabulan ang mga bata at kay sasaya nila! Araw-araw, tuwing hapon, pinanonood ni Nemo ang mga naglalarong bata. Inggit na inggit siya sa kanila. Tuwing makikita niya ang mga bata sa palaruan, gustong-gusto rin niyang maging isang tunay na bata. “Gusto kong tumawa tulad ng totoong bata! Gusto kong tumakbo tulad ng totoong bata! Gusto kong maghagis ng bola tulad ng totoong bata!” Sabi nila, kapag may hiniling ka raw na gusto mong matupad, kailangang sabihin mo ito sa pinakamalayong bituin sa langit. Kaya isang gabi, matiyagang nagbantay sa langit si Nemo. Hinintay niya ang paglabas ng pinakamalayong bituin. At nang makita niya ito, sinabi niya ang kaniyang hiling. “Bituin, bituin, tuparin ngayon din Ako’y gawing isang batang masayahin!” Pumikit nang mariin na mariin si Nemo. Naramdaman niyang parang umiikot ang paligid at nagkakagulo ang mga busina ng sasakyan. Totoong bata na si Nemo! Pagdilat niya’y kasama na niya ang kaniyang totoong Tatay na walang trabaho, at totoong Nanay na payat na payat, at walong totoong kapatid na ang ingay-ingay sa isang masikip, makipot, at tagpi-tagpi pero totoong bahay. “’Wag kayong tatamad-tamad,” sigaw ng kaniyang totoong tatay. “Magtrabaho kayo!” Kaya napilitang tumakbo si Nemo palabas ng bahay. Palakad-lakad si Nemo sa kalye. Hindi niya pansin ang mga humahagibis na bus. Hindi niya pansin ang mga humahagibis na dyip. Isip siya nang isip kung paano makakatulong sa kaniyang totoong pamilya. Kahit bata pa, napilitang maghanapbuhay si Nemo. Sa umaga’y nagtinda siya ng sampagita at humahabol-habol sa mga kotse. Pagod na pagod si Nemo araw-araw. Pakiramdam niya, pabilis nang pabilis ang kaniyang pagtanda. Kaya naisipan niyang pumasok sa eskuwela. Sumilip siyang muli sa paaralang pinanggalingan niya. Pero dahil marumi ang kaniyang suot at wala siyang sapatos, inirapan lang si Nemo ng libro. “Hindi ka bagay dito!” sabi ng libro. “Ang baho-baho mo!” Nagalit din sa kaniya ang mesa. “Ang dumi-dumi mo!” sinigawan din siya ng pisara. “Alis diyan!” Kaya napilitang tumakbo si Nemo. Nagtatakbo siya nang nagtatakbo hanggang sa gilid ng dagat. Sinabi ni Nemo ang problema niya sa dagat pero naghikab lang ito. At kahit ang alon na puno ng layak ay nagtakip ng ilong nang maamoy siya. “’Wag mo nang dagdagan ang basura dito!” sigaw nito kay Nemo. Malungkot na naglakad-lakad si Nemo. At sa maraming kalye ng marusing na lungsod, sa bawat sulok ay may nakita siyang mga batang-kalye. May nagbebenta ng sampagita. May nagtitinda ng sigarilyo at diyaryo habang maliksing sumasabit-sabit sa mga sasakyan. May mga kalbo, galisin, at palaboy na yakap-yakap ang supot na plastik na kapag sinisinghot nila ay parang nagguguhit sa kanilang mukha ng mangmang na ngiti. May mga batang butuhan ang binti at malamlam ang mata na akay-akay ng matatatandang puti na parang kislap ng balisong ang kislap ng mata. “Kay dami-dami palang batang kalye,” naisip ni Nemo. Kung gabi, kung halos hindi umihip ang mapanuksong hangin, ang mga batang kalye ay nagtitipon-tipon sa parke na may monumento ng bayaning may kipkip na libro. Tumatakbo sila. Naglulundagan. Nagbibiruan. Naghahagikgikan. Pero napansin ni Nemo na walang taginting ang kanilang halakhak. Parang pumanaw na ang kislap sa sulok ng kanilang mata. Sumama si Nemo sa iba pang batang lansangan. Nagtipon-tipon sila sa isang bahagi ng parke. At sa dilim ng gabi, nagsimula silang maglaro at magkantahan. Nalaman ni Nemo na marami palang batang tulad niya. Mga batang lansangan, mga batang kailangang maghanapbuhay dahil sa kahirapan. Tinipon ni Nemo ang iba pang batang lansangan. Nang magkuwentuhan sila, nalaman nilang pare-pareho pala ang kanilang gusto: mapagmahal na magulang, maayos na tahanan, masayang paaralan, at sapat na pagkain. Ipinagtapat ni Nemo ang lihim na kaniyang natuklasan. Matutupad ang anumang pangarap kapag hiniling sa pinakamalayong bituin. Sabay-sabay silang tumingala sa pinakamalayong bituin sa langit at hiniling nila ang lahat ng ito. “Bituin, bituin, tuparin ngayon din Lahat kami’y gawing batang masayahin.” Sa isang iglap, lahat sila ay naging batang papel. Inilipad sila ng hangin. Kay gaan-gaan ng kanilang pakiramdam. Kay saya-saya nila dahil malayo na sila sa magulong pamilya, malupit na eskuwela, at maingay na kalsada. Nagtaka ang mga taong nakakita sa palutang-lutang na mga batang papel. Marami ang naawa sa kanila. Pero ang hindi nila alam, mas maligaya na ngayon ang mga batang papel, gaya ni Nemo, kaysa mga totoong bata na kailangang makibaka at mabuhay sa malupit na kalsada. Mula sa: Ang Gintong Habihan: Mga Kuwentong Premyado ng Palanca. (1998). Maynila: Tahanan Books for Young Readers

English

Nemo the little paper rene villanueva (Tagalog)

Last Update: 2015-02-16
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous

Tagalog

maikling kwento ni pagong at kuneho Short story of the tortoise and hare Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa makupad maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak. "Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang mararating niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa. Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang Kuneho. "Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako matatalo." Lalo lamang siyang pinagtawanan. "nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho. "Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon." Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok. Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito. Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si matsing ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan. "Handa na ba kayo". Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!". "Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni matsing. Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumpisahan. Mabilis na nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa paanan ng bundok. Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya kay pagong. Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-lingon. Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa kanyang likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng makarating na siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo. Patuloy naman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera. Ng magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok. Naunahan na pala siya. Minsan sa aking pagmomotor naisip ko lagi na lang akong nagmamadali. Lagi na lang gusto ko mabilis akong makarating sa aming opisina. Madami pala akong nakakaligtaaan. Katulad ng isang kuneho minsan nakakatulog din ako sa daan. Pagtulog na hindi literal kundi panlarawan. Kung ihahalintulad ko ang sarili ko noon at ngayun maari kong sabihin isa akong kuneho na palagi na lang talon ng talon at pagnapagod na ay matutulog. Marahil mas mabuti pang maging isang mabagal na pagong. Isang pagong na matyaga nasa bawat paglakad ay nararamdaman ang saya ng paglalakbay. Magiting na pagong na alam nya sa sariling wala syang magagawa kung tatayo lamang sya at panonooring libak libakin lamang ng kanyang mga Kuneho sa buhay.

English

Short story of the tortoise and hare

Last Update: 2015-01-10
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous
Warning: Contains invisible HTML formatting

Get a better translation with
4,401,923,520 human contributions

Users are now asking for help:



We use cookies to enhance your experience. By continuing to visit this site you agree to our use of cookies. Learn more. OK