전문 번역가, 번역 회사, 웹 페이지 및 자유롭게 사용할 수 있는 번역 저장소 등을 활용합니다.
matunog
nods
마지막 업데이트: 2019-12-02
사용 빈도: 1
품질:
추천인:
naging matunog
마지막 업데이트: 2021-01-14
사용 빈도: 1
품질:
추천인:
ang latang matunog walang laman
the empty cane is noisy
마지막 업데이트: 2019-01-11
사용 빈도: 1
품질:
추천인:
ang tula ni jess santiago ay naging challenge sa akin. sa umpisa ay nahirapan akong unawain ito dahil hindi ako gaanong kabihasa sa filipino. paulit-ulit kong pinasadahan ang tula at pagkatapos ay unti-unti ko nang nabuo ang aking pagkakaintindi dito. ang “kung tula ay isa lamang” ni jess santiago ay naisulat noong panahon ng martial law sa pilipinas. kung ito ay isasaalang-alang natin, maaaring sabihin na isinulat ni santiago ang tula bilang panawagan at paalala sa mga makata noon kung ano ang responsibilidad nila bilang isang manunulat sa panahon ng krisis. “malaon nang pinamanhid ng dalita ang panlasa” sa linyang ito, sinasabi ni santiago na sa panahon ng krisis tulad ng martial law, wala nang kwenta ang aesthetics at mababangong salita pati na rin ang anyo at porma kung hindi malaman ang iyong tula. sa mga panahon ng krisis upang maging matunog at magkaroon ng saysay ang iyong tula, ang sining mo ay dapat makakatulong sa masa. at ang kailangan ng masa ay mga boses na makapagsisiwalat ng kanilang mga suliranin, mga boses na nagdadala ng katotohanan. iyong boses na makapupukaw sa masang matagal nang binubulag ng sistema. ang pagbanggit ni santiago sa mga gulay tulad ng kangkong at talbos ng kamote na nais niyang matanggap sa halip ng pumpon ng mga salita ay ang pagnanais niya sa masustansyang tula, iyong makabubusog sa gutom niya sa kaalaman, sa karunungan at katotohanan. at kung pumpon na nga lang ng mga salita ang ibibigay sa kanya, mas pipiliin na lamang niya ang maruming talbos ng kamote o ang ninakaw na kangkong dahil kahit papaano may maibibigay paring sustansya ito at makasasapat sa pisikal na gutom niya. pinapaalala ni santiago na responsibilidad ng mga manunulat na isigaw ang katotohanan at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa nito upang magising at lumaban. kailangang bitbitin ng mga makata ang tinig ng masa at magsulat para sa masa dahil ang sining ay para sa masa. napagtanto ko na hindi lamang ito nag-aapply sa panahon ng krisis dahil importante kahit kailan sa malikhaing pagsulat na may bigat ang iyong mga salita, may mas malalim na pagpapahiwatig. tulad nga ng naging talakayan sa klase ukol sa malikhaing pagsulat, ang paalala ni santiago ay pareho: upang maging malikhain ang pagsulat, kinakailangang may katotohanan, may bagong lasa, at may panawagan. dahil kung wala ang mga ito, hindi tula ang iyong sinulat kundi basta lamang pumpon ng mga salita. bata pa lamang ako noong huli akong nagsulat ng tula at ito ay isinulat ko pa sa ingles. wala pa akong alam sa technicalities ng pagsulat noon. ngunit, sa pagbabasa ng tula ni jess santiag, muli niyang pinukaw ang kagustuhan kong magsulat muli at matuto. ginising din ni santiago ang diwang makabayan sa akin at ang pagnanais na makagawa ng sining na para sa masa. sa paglaon ko sa kursong ito, nais kong bitbitin ang aral na ito at matutong makapagsulat ng tula habang isinasakatuparan ang mga paalala ni jess santiago.
마지막 업데이트: 2021-03-19
사용 빈도: 1
품질:
추천인: