Ask Google

Results for nglalaro ang mga makukulit na bat... translation from Tagalog to English

Human contributions

From professional translators, enterprises, web pages and freely available translation repositories.

Add a translation

Tagalog

English

Info

Tagalog

Upang tulungan ang mga mahihirap na bata sa kanilang pisikal, mental at espirituwal na pag-unlad na magpapahintulot sa kanila na maging katulad ng kanilang pangkat ng edad.

English

The project will be conducted every week, Wednesday.

Last Update: 2018-08-29
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous

Tagalog

Kahirapan sa Pilipinas Akda ni Ghie Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng Kahirapan”. Tama sila, at tama rin naman ang mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw. Pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. Pangalawa sa mga dahilan ay ang maling gawain ng mga pinuno ng ating bansa, ang pagbubulsa sa kaban ng bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili nilang interes. Sapat ang sweldo ng mga pinuno ng ating bansa, ang totoo ay sobra-sobra pa ito para bumuhay ng isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling gawain nila. Kamakailan lang ay sinabi na umaangat na ang ekonomiya ng ating bansa, pero wala kahit isa ang nakaramdam nito. Kailangan pa ring pumila ng matagal para lang makabili ng NFA Rice, mataas pa rin singil sa gasolina, sa kuryente at halos sa lahat ng bilihin, hindi kasya ang sweldo ng isang empleyado lamang. Dahil sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng mamamayan ang naaapektuhan, dahil mas pinipili nilang ibulsa ang malaking pondong pangkahirapan kaysa idagdag sa sweldo ng mga empleyado, isang malaking kamalian sa parte ng mga pinuno. Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, o ang kawalan ng paninindigan. Kung magiging responsible lamang ang mga magulang ng mga batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat na bata ngayon sa lansangan, walang uhuging bata na nanghihingi na limos, at walang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang makikita natin. Kung pinag-aaral lamang sila ng kanilang magulang, malamang ay magkakaroon sila ng magandang kinabukasan. Bumabalik nanaman dito ang kadahilanang wala silang trabaho, pero may mga programa ang ating pamahalaan, maging ang local, para sa libreng pag-aaral, pero mukhang hindi nauubusan ng dahilan ang Pilipino kung bakit hindi sila nakaka-pagaral, at ibabalik nanaman ang sisi sa gobyerno. Ang katotohanan ay tayo mismo ang dahilan ng ating paghihirap, tayong mga mamamayan ng bansa natin. Kung sisimulan natin ang pagbabago sa sarili natin, malamang ay mababagao rin natin ang antas ng ating pamumuhay, pinuno ka man o simpleng mamamayan ay dapat magbago para sa ikauunlad nating lahat. Kahirapan sa Pilipinas Akda ni Ghie Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng Kahirapan”. Tama sila, at tama rin naman ang mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw. Pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. Pangalawa sa mga dahilan ay ang maling gawain ng mga pinuno ng ating bansa, ang pagbubulsa sa kaban ng bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili nilang interes. Sapat ang sweldo ng mga pinuno ng ating bansa, ang totoo ay sobra-sobra pa ito para bumuhay ng isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling gawain nila. Kamakailan lang ay sinabi na umaangat na ang ekonomiya ng ating bansa, pero wala kahit isa ang nakaramdam nito. Kailangan pa ring pumila ng matagal para lang makabili ng NFA Rice, mataas pa rin singil sa gasolina, sa kuryente at halos sa lahat ng bilihin, hindi kasya ang sweldo ng isang empleyado lamang. Dahil sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng mamamayan ang naaapektuhan, dahil mas pinipili nilang ibulsa ang malaking pondong pangkahirapan kaysa idagdag sa sweldo ng mga empleyado, isang malaking kamalian sa parte ng mga pinuno. Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, o ang kawalan ng paninindigan. Kung magiging responsible lamang ang mga magulang ng mga batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat na bata ngayon sa lansangan, walang uhuging bata na nanghihingi na limos, at walang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang makikita natin. Kung pinag-aaral lamang sila ng kanilang magulang, malamang ay magkakaroon sila ng magandang kinabukasan. Bumabalik nanaman dito ang kadahilanang wala silang trabaho, pero may mga programa ang ating pamahalaan, maging ang local, para sa libreng pag-aaral, pero mukhang hindi nauubusan ng dahilan ang Pilipino kung bakit hindi sila nakaka-pagaral, at ibabalik nanaman ang sisi sa gobyerno. Ang katotohanan ay tayo mismo ang dahilan ng ating paghihirap, tayong mga mamamayan ng bansa natin. Kung sisimulan natin ang pagbabago sa sarili natin, malamang ay mababagao rin natin ang antas ng ating pamumuhay, pinuno ka man o simpleng mamamayan ay dapat magbago para sa ikauunlad nating lahat. Kahirapan sa Pilipinas Akda ni Ghie Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng Kahirapan”. Tama sila, at tama rin naman ang mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw. Pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. Pangalawa sa mga dahilan ay ang maling gawain ng mga pinuno ng ating bansa, ang pagbubulsa sa kaban ng bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili nilang interes. Sapat ang sweldo ng mga pinuno ng ating bansa, ang totoo ay sobra-sobra pa ito para bumuhay ng isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling gawain nila. Kamakailan lang ay sinabi na umaangat na ang ekonomiya ng ating bansa, pero wala kahit isa ang nakaramdam nito. Kailangan pa ring pumila ng matagal para lang makabili ng NFA Rice, mataas pa rin singil sa gasolina, sa kuryente at halos sa lahat ng bilihin, hindi kasya ang sweldo ng isang empleyado lamang. Dahil sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng mamamayan ang naaapektuhan, dahil mas pinipili nilang ibulsa ang malaking pondong pangkahirapan kaysa idagdag sa sweldo ng mga empleyado, isang malaking kamalian sa parte ng mga pinuno. Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, o ang kawalan ng paninindigan. Kung magiging responsible lamang ang mga magulang ng mga batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat na bata ngayon sa lansangan, walang uhuging bata na nanghihingi na limos, at walang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang makikita natin. Kung pinag-aaral lamang sila ng kanilang magulang, malamang ay magkakaroon sila ng magandang kinabukasan. Bumabalik nanaman dito ang kadahilanang wala silang trabaho, pero may mga programa ang ating pamahalaan, maging ang local, para sa libreng pag-aaral, pero mukhang hindi nauubusan ng dahilan ang Pilipino kung bakit hindi sila nakaka-pagaral, at ibabalik nanaman ang sisi sa gobyerno. Ang katotohanan ay tayo mismo ang dahilan ng ating paghihirap, tayong mga mamamayan ng bansa natin. Kung sisimulan natin ang pagbabago sa sarili natin, malamang ay mababagao rin natin ang antas ng ating pamumuhay, pinuno ka man o simpleng mamamayan ay dapat magbago para sa ikauunlad nating lahat.

English

Speech Speech for the Family Family, the people who inspire me in everything. They are the reason I live, they are the reason why I wake up every morning. They are the ones who smile and make me cry, They smile because they are my strength, they cry when they see if One of them is hurting or suffering, they are weak I feel the same. The family

Last Update: 2020-01-26
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous

Tagalog

nemo ang batang papel rene villanueva(tagalog) Si Nemo ay isang batang yari sa ginupit na diyaryo. Pinunit-punit, ginupit-gupit saka pinagdikit-dikit, si Nemo ay ginawa ng mga bata para sa isang proyekto nila sa klase. Ngayo’y bakasyon na. Si Nemo’y naiwang kasama ng ibang papel sa silid. Nakatambak siya sa bunton ng mga maalikabok na polder at enbelop. Isang araw, isang mapaglarong hangin ang nanunuksong umihip sa silid. Inilipad niya sa labas si Nemo. Nagpalutang-lutang sa hangin si Nemo. Naroong tumaas siya; naroong bumaba. Muntik na siyang sumabit sa mga sanga ng aratiles. Nang mapadpad siya sa tabi ng daan, muntik na siyang mahagip ng humahagibis na sasakyan. Inangilan siya ng dyip. Binulyawan ng kotse. At sininghalan ng bus. Mabuti na lamang at napakagaan ni Nemo. Nagpatawing-tawing siya sa hangin bago tuluyang lumapag sa gitna ng panot na damo sa palaruan. Nakahinga nang maluwag si Nemo. Ngunit nagulantang siya sa dami ng nagtatakbuhang paa na muntik nang makayapak sa kaniya. Naghahabulan ang mga bata at kay sasaya nila! Araw-araw, tuwing hapon, pinanonood ni Nemo ang mga naglalarong bata. Inggit na inggit siya sa kanila. Tuwing makikita niya ang mga bata sa palaruan, gustong-gusto rin niyang maging isang tunay na bata. “Gusto kong tumawa tulad ng totoong bata! Gusto kong tumakbo tulad ng totoong bata! Gusto kong maghagis ng bola tulad ng totoong bata!” Sabi nila, kapag may hiniling ka raw na gusto mong matupad, kailangang sabihin mo ito sa pinakamalayong bituin sa langit. Kaya isang gabi, matiyagang nagbantay sa langit si Nemo. Hinintay niya ang paglabas ng pinakamalayong bituin. At nang makita niya ito, sinabi niya ang kaniyang hiling. “Bituin, bituin, tuparin ngayon din Ako’y gawing isang batang masayahin!” Pumikit nang mariin na mariin si Nemo. Naramdaman niyang parang umiikot ang paligid at nagkakagulo ang mga busina ng sasakyan. Totoong bata na si Nemo! Pagdilat niya’y kasama na niya ang kaniyang totoong Tatay na walang trabaho, at totoong Nanay na payat na payat, at walong totoong kapatid na ang ingay-ingay sa isang masikip, makipot, at tagpi-tagpi pero totoong bahay. “’Wag kayong tatamad-tamad,” sigaw ng kaniyang totoong tatay. “Magtrabaho kayo!” Kaya napilitang tumakbo si Nemo palabas ng bahay. Palakad-lakad si Nemo sa kalye. Hindi niya pansin ang mga humahagibis na bus. Hindi niya pansin ang mga humahagibis na dyip. Isip siya nang isip kung paano makakatulong sa kaniyang totoong pamilya. Kahit bata pa, napilitang maghanapbuhay si Nemo. Sa umaga’y nagtinda siya ng sampagita at humahabol-habol sa mga kotse. Pagod na pagod si Nemo araw-araw. Pakiramdam niya, pabilis nang pabilis ang kaniyang pagtanda. Kaya naisipan niyang pumasok sa eskuwela. Sumilip siyang muli sa paaralang pinanggalingan niya. Pero dahil marumi ang kaniyang suot at wala siyang sapatos, inirapan lang si Nemo ng libro. “Hindi ka bagay dito!” sabi ng libro. “Ang baho-baho mo!” Nagalit din sa kaniya ang mesa. “Ang dumi-dumi mo!” sinigawan din siya ng pisara. “Alis diyan!” Kaya napilitang tumakbo si Nemo. Nagtatakbo siya nang nagtatakbo hanggang sa gilid ng dagat. Sinabi ni Nemo ang problema niya sa dagat pero naghikab lang ito. At kahit ang alon na puno ng layak ay nagtakip ng ilong nang maamoy siya. “’Wag mo nang dagdagan ang basura dito!” sigaw nito kay Nemo. Malungkot na naglakad-lakad si Nemo. At sa maraming kalye ng marusing na lungsod, sa bawat sulok ay may nakita siyang mga batang-kalye. May nagbebenta ng sampagita. May nagtitinda ng sigarilyo at diyaryo habang maliksing sumasabit-sabit sa mga sasakyan. May mga kalbo, galisin, at palaboy na yakap-yakap ang supot na plastik na kapag sinisinghot nila ay parang nagguguhit sa kanilang mukha ng mangmang na ngiti. May mga batang butuhan ang binti at malamlam ang mata na akay-akay ng matatatandang puti na parang kislap ng balisong ang kislap ng mata. “Kay dami-dami palang batang kalye,” naisip ni Nemo. Kung gabi, kung halos hindi umihip ang mapanuksong hangin, ang mga batang kalye ay nagtitipon-tipon sa parke na may monumento ng bayaning may kipkip na libro. Tumatakbo sila. Naglulundagan. Nagbibiruan. Naghahagikgikan. Pero napansin ni Nemo na walang taginting ang kanilang halakhak. Parang pumanaw na ang kislap sa sulok ng kanilang mata. Sumama si Nemo sa iba pang batang lansangan. Nagtipon-tipon sila sa isang bahagi ng parke. At sa dilim ng gabi, nagsimula silang maglaro at magkantahan. Nalaman ni Nemo na marami palang batang tulad niya. Mga batang lansangan, mga batang kailangang maghanapbuhay dahil sa kahirapan. Tinipon ni Nemo ang iba pang batang lansangan. Nang magkuwentuhan sila, nalaman nilang pare-pareho pala ang kanilang gusto: mapagmahal na magulang, maayos na tahanan, masayang paaralan, at sapat na pagkain. Ipinagtapat ni Nemo ang lihim na kaniyang natuklasan. Matutupad ang anumang pangarap kapag hiniling sa pinakamalayong bituin. Sabay-sabay silang tumingala sa pinakamalayong bituin sa langit at hiniling nila ang lahat ng ito. “Bituin, bituin, tuparin ngayon din Lahat kami’y gawing batang masayahin.” Sa isang iglap, lahat sila ay naging batang papel. Inilipad sila ng hangin. Kay gaan-gaan ng kanilang pakiramdam. Kay saya-saya nila dahil malayo na sila sa magulong pamilya, malupit na eskuwela, at maingay na kalsada. Nagtaka ang mga taong nakakita sa palutang-lutang na mga batang papel. Marami ang naawa sa kanila. Pero ang hindi nila alam, mas maligaya na ngayon ang mga batang papel, gaya ni Nemo, kaysa mga totoong bata na kailangang makibaka at mabuhay sa malupit na kalsada. Mula sa: Ang Gintong Habihan: Mga Kuwentong Premyado ng Palanca. (1998). Maynila: Tahanan Books for Young Readers

English

Nemo the little paper rene villanueva (Tagalog)

Last Update: 2015-02-16
Usage Frequency: 1
Quality:

Reference: Anonymous

Some human translations with low relevance have been hidden.
Show low-relevance results.

Get a better translation with
4,401,923,520 human contributions

Users are now asking for help:



We use cookies to enhance your experience. By continuing to visit this site you agree to our use of cookies. Learn more. OK